Panukalang batas na gawing regular licensing center ang LTO-Las Pinas extension, aprubado na ng Kamara
- Published on June 1, 2023
- by @peoplesbalita
IKINATUWA ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar, ang pag-apruba ng Kamara sa 3rd and Final Reading ang panukalang batas na layong i-convert ang Land Transportation Office (LTO) extension para gawin itong regular licensing center.
Sa botong 289 pabor, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8152 nuong Lunes, May 29, 2023.
“We are elated that our colleagues supported this measure not only for our constituents in Las Pinas but also for our neighboring towns,” pahayag ni Rep. Villar.
Si Rep. Villar ang principal author sa nasabing panukala.
Ayon kay Rep. Villar, sa sandaling maging ganap na batas ang nasabing measure, mas magiging epektibo ang pagbibigay serbisyo ng LTO-Las Pinas sa mga residente at sa mataas na bilang ng mga transactions. (Daris Jose)
-
Biden, pormal nang nanumpa bilang 46th US president
Opisyal nang nanumpa bilang ika-46 pangulo ng Estados Unidos si Joe Biden. Idinaos ang kanyang panunumpa sa US Capitol, na pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice John Roberts. Sa kanya namang unang talumpati bilang US president, nanawagan si Biden na magkaroon ng bagong simula sa pulitika sa kanilang at pagtanggi sa aniya’y pagmanipula sa […]
-
17 atleta na ang isasabak ng Pinas!
Opisyal nang maglalaro sina 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa Olympic Games sa Tokyo, Japan. Pumuwesto si Saso sa No. 9 habang No. 42 si Pagdanganan sa listahan ng International Golf Federation (IGF) para sa 60 women golfers na papalo sa Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto […]
-
Bataan-Cavite bridge, paluluwagin ang trapiko sa Kalakhang Maynila-PBBM
KUMPIYANSANG inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang Bataan-Cavite Interlink Bridge na mapaluwag ang trapiko sa Kalakhang Maynila. Si Pangulong Marcos ay dumalo sa Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Milestone Ceremony na isinagawa sa bayan ng Mariveles sa Bataan. Sinabi nito na ang travel time sa pagitan ng mga lalawigan […]