• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang pag-amyenda sa Contractor’s License Law, pasado na

Nagkakaisang ipinasa ng Kamara sa huling pagbasa ang House Bill 7808 o ang “Contractors’ License Law“.

 

 

Sa botong 200, pasado na sa plenaryo ang panukala, na pangunahing iniakda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., at naglalayong isulong ang kaunlaran sa pagnenegosyo ng pangongontrata, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kakayahan sa konstruksyon sa mga pampubliko at pribadong sektor at pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag sa batas.

 

 

Dahil dito, ang mga kontraktor na napatunayang may sala, na tinutukoy sa panukala ay pagmumultahin ng halagang P100,000. 00 0.1% ng halaga ng proyekto, alinman ang mas mataas.

 

 

Bukod pa sa hatol, hindi sila maaaring makakuha ng lisensya sa pangongontrata sa loob ng hindi bababa sa isang taon.

 

 

Kapag ito ay naisabatas na, bibigyan ng kapangyarihan ang Philippine Contractors Accreditation Board na mangolekta o magpatupad ng mga kabayaran at multa, upang mapaunlad ang kanilang mga operasyon. (ARA ROMERO)

Other News
  • Ads June 25, 2021

  • Libreng birth certificate, clearance ng PWDs, solo parents isinulong

    PARA mabawasan ang mga gastusin ng mga persons with disability (PWD) at mga solo parents sa paghahanap  ng trabaho, maghahain ngayong Lunes ang ACT-CIS Partylist ng batas para gawing libre na ang mga dokumento bilang job requirements para sa sektor na ito.       Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader  Erwin […]

  • Maria Ressa ‘abswelto’ sa 4 na tax evasion cases — korte

    INABSWELTO ng First Division ng Court of Tax Appeals si Rappler CEO Maria Ressa at Rappler Holdings Corp. sa apat na kaso ng tax violations na inihain pa noong 2018.     Miyerkules nang ibaba ng CA ang hatol sa Nobel Laureate at RHC tungkol sa mga kasong nakabinbin pa simula noong nakaraang administrasyon ni […]