Panukalang pagbibigay ng P1M cash gift sa Pinoy centenarians, oks sa Kamara
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
MAGANDANG balita sa mga Filipino centenarians na umabot sa idad na 101 taong gulang dahil mabibiyayaan sila ng cash gifts bilang pagbibigay karangalan at suporta sa kanila.
Sa botong 257, inaprubahan ng kamara ang House Bill 7535 na nagsusulong na mabigyan ng P1 million ang mga Pinoy na umabot sa idad na 101 taon gulang o centenarians, na naninirahan sa Pilipinas o ibang bansa.
Gayundin, kapag naging ganap na batas ang mga Pilipino na umabot sa idad na 80 at 85 anyos (octogenarians) at 90 at 95 (nonagenarians) ay mabibigyan ng P25,000. Tatanggp din sila ng letter of felicitation mula sa President eng Pilipinas.
“With this legislation, the House of Representatives would like to honor our countrymen for their years of service to the country and for their discipline in ensuring that they live a long, healthy and fruitful life,” ani Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ilan sa pangunahing awtor ng panukala ay sina Reps. Rodolfo Ordanes, Jude Acidre, Sonny Lagon, Daphne Lagon, Brian Yamsuan, PM Vargas, Toby Tiangco, Salvador Pleyto, Roy Loyola, LRay Villafuerte, Loreto Amante, Jam Baronda, Eric Yap, Edvic Yap, Paolo Duterte, Migs Nograles, Lani Mercado-Revilla, Gus Tambunting, at iba pa.
Nakapaloob pa sa panukala na ang National Commission of Senior Citizens ang siyang magpapatupad nito kapag ganap na naging batas.
Aamyendahan ng panukala ang Republic Act No. 10868 o Centenarians Act of 2016 na nagsasaad na ibigyan ng cash gifts ang lahat ng Pilipino na umabot sa 100 taong gulang pataas na P100,000.
Sa ginanap na pagdinig ng komite noong nakalipas na taon, ini-ulat ni dating Department of Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo na mayroong nasa 662 ang Filipino centenarians sa bansa. (Ara Romero)
-
20 PORSYENTONG DISKWENTO SA AMILYAR, IPATUTUPAD NG QUEZON CITY
IPATUTUPAD ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang 20% updated discounts para sa nga magbabayad ng kanilang amilyar o Real Property Tax simula sa isang taon para sa mga magbabayad ng RPT ng buo bago o sa December 31. Ito ay inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte matapos lagdaan ang Ordinance Number SP-3179, […]
-
Empleyado ng Manila City Hall, huli sa panloloko
SWAK sa kulungan ang isang 38-anyos na dalaga at empleyado ng City Treasurers Office ng Manila City Hall dahil sa panloloko at pagnanakaw ng malaking halaga mula sa mga stallholders ng Paco Market. Hawak ngayon ni P/Major Rosalino Ibay Jr., Hepe bg MPD-Special Mayors Reaction Team ang suspek na si Sherylet Lising, dalaga, Admin […]
-
LRT 1 Cavite Extension 94 % kumpleto
INAASAHAN ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operator ng LRT 1, na matatapos ang LRT 1 Cavite Extension sa 2024 at magiging operasyonal sa huling quarter ng 2024. Sa ngayon, ang konstruksyon ng 6.7- kilometer Phase 1 ay 94.1 porsiento ng tapos parehas sa civil at system works. […]