Panukalang pambansang pondo para sa 2024, tinatayang mailalabas na – DBM
- Published on April 26, 2023
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG maisapinal ang pondo para sa 2024 sa ikalawang linggo ng Mayo kung saan bulto ng expenditure program ay inilaan para sa social services sector.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hiniling na ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno para magsumite ng kanilang budget proposal sa katapusan ng buwan.
Sinabi din ng DBM chief na ang piondo para sa susunod na taon ay nakahanay sa eight-point socioeconomic agenda at Pgilippine Development Plan ng gobyerno.
Tinitingnan na rin aniya ng gobyerno ang pagpapanatili ng parehong halaga ng spending para sa social services sector na nasa 39% ng pambansang pondo para ngayong taon.
Sa naturang sektor, ayon kay Pangandaman prayoridad ang edukasyon, manpower development kabilang ang pagsasanay ng workforce, sektor ng kalusugan at cash assistance para sa marginalized sector.
Para ngayong taon, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang batas ang P5.268 trillion na pambasang pondo alinsunod sa 2022-2028 medium-term fiscal framework ng gobyerno. (Daris Jose)
-
Panawagan ng Malakanyang sa mga Padre de pamilya, higpitan ang mga bata ngayong simula na ang 2 week ECQ
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga padre de pamilya na gumamit na nang baston kung kakailanganin para huwag palabasin ang kanilang mga tsikiting ngayon at nagsimula na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila. Ang ECQ ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay tatagal ng dalawang linggo mula Agosto 6 hanggang 20. Ang […]
-
DOH, kinumpirma na may local transmission na ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa PH; 3 karagdagang kaso ng BA.2.12.1
KINUMPIRMA ngayong araw ng Department of Health na nadetect na sa bansa ang local transmission ng highly transmissible Omicron subvariant BA.2.12.1. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangangahulugan na ang mga kaso na nadetect ay wala ng kaugnayan sa mga kaso mula sa labas ng bansa ngunit makikita pa rin ang linkages […]
-
DOH, umaasang magpapatuloy na ang pagbaba ng Covid -19 cases sa NCR
UMAASA ang Department of Health (DoH) na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba o ang downtrend ng mga Covid-19 cases sa bansa partikular na sa Metro Manila, lalo na’t wala nang malalaking event na inaasahan sa mga susunod na araw. Ito ang sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa ginanap na Malakanyang Public Briefing. […]