• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panunutok ng laser light, itinanggi ng China

KINASTIGO  ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng PCG, na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.

 

 

Sinabi ni PCG advi­ser for maritime security Cmdr. Jay Tarriela na hindi katanggap-tanggap ang sinabi ni Chinese Ministry of Foreign Affairs spokesperson Wang Wenbin na hindi tinutukan ng barko ng CCG ng laser light ang barko ng PCG at tanging “hand-held equipment” lamang ang kanilang ginamit para sukatin ang distansya.

 

 

Iginiit ni Tarriela na may radar naman ang barko ng CCG at hindi makatotohanan na gagamit sila ng hand-held equipment.

 

 

“The mere fact that our crew reported that they experienced that temporary loss of vision… is something that is not a made-up story,” saad ni Tarriela.

 

 

Hindi umano tama na basta na lamang tanggapin ng Pilipinas ang dahilan na ito ng China at nakakabahala na gumagamit ang CCG ng laser na may intensidad na nakakasira ng paningin ng kanilang mga tripulante.

 

 

“We need to highlight the fact that the China Coast Guard ship did not direct lasers at the Philippine crew, and the hand-held equipment does not inflict damage on anything or anyone on the vessel,” paliwanag ng China.

 

 

Iginiit din ng China na teritoryo nila ang Ayungin shoal, o Ren’ai Reef, na parte umano ng kanilang Nansha Islands, na tinatawag naman ng Pilipinas na Spratly Islands.

 

 

“Why are we going to believe the narrative of China na we are the ones lying and making up stories na nabulag ang tropa natin… na kung pakikinggan mo ang first statement nila, they were actually claiming na tayo ang nag-intrude sa sarili nating waters?” dagdag pa ni Tarriela.

 

 

Nagpahayag naman ng pagsuporta sa Pilipinas ang United States, Japan, Canada, Australia, Denmark, Germany at United Kingdom laban sa mga mapanghamong galaw ng China sa pinag-aagawang teritoryo. (Daris Jose)

Other News
  • KAKAI, mukhang idinaan na lang sa mga posts ang sagot sa ‘demand letter’ ng management ni MARIO MAURER

    IDINADAAN nga ba ng Dental Diva na si Kakai Bautista sa mga posts ang sagot niya sa ipinadalang demand letter ng management ni Mario Maurer sa kanya?     Mula sa mga captions niya na, “Hooh hirap pag sobrang gandaa. Ismayl nalang si Tyang sa mga taonga yaw tumigil.” Hanggang sa, “BRB. Too busy loving […]

  • Paninira lang daw sa relasyon nila ni Rabiya: Photo scandal ni JERIC kasama ang isang guy, luma at edited lang

    MAGANDA ang ginagawa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, na basta libre sila sa work, lagi silang nagbo-bonding kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto.     Last Sunday Dingdong posted ang road trip nila to Balé in Pampanga, pinuntahan nila ang isang native restaurant doon na mga native dishes ang pagkaing […]

  • Mahigit P900-M na pondo inilaan ng DOTr para sa pagbuo ng 470km bike lanes sa buong bansa

    PUMAPALO sa mahigit Php900-million na halaga ng pondo ang inilaan ng Department Transportation para sa plano nitong pagbuo ng mga bike lanes sa buong bansa ngayong taon.     Ito ay alinsunod sa tinatarget ng ahensya na bumuo ng nasa kabuuang 470km na mga bike lanes sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na itatatag plano […]