PAOLO, nag-sorry sa lahat ng nadamay, lalo na kina LJ, AKI at SUMMER; YEN, inabswelto bilang ‘third party’
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
ANG haba ng naging paliwanag ni Paolo Contis sa side of his story sa naging hiwalayan nila ni LJ Reyes.
Sa Instagram account nga niya at kinailangan pang 2 parts ang naging statement niya.
Inabswelto niya lalo na si Yen Santos na nababalitang third party. Humingi naman siya ng sorry sa lahat, lalo na kay LJ, sa anak nito na si Aki at kay Summer. Gayundin sa estranged wife niya na si Lian Paz at dalawang anak nila. At sa iba pang nakapaligid sa kanya na nadadamay nga raw at nagugulo.
Ayon kay Paolo, walang ibang pwedeng i-bash at pagbuntunan ng galit kung hindi siya.
Narito ang mahabang paliwanag ni Paolo.
“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…
1. Drugs – Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.
2. Third Party – Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.
3. Yen Santos – She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.
4. Baguio – When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.
5. Lolit – Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo diba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang naguusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO! For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy.
“I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangan pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.
“I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin. I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.
“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.
“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you.
“To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.
“I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you.”
Yun nga lang, sa mahabang paliwanag na ito ni Paolo, ang tila nagmarka lang lalo na sa mga netizen ay ang pag-iimbita raw niya kay Yen at friends lang sila.
Halos lahat ng comments kay Paolo, hindi naniniwala at sinasabihan pa itong “wag kami, Paolo!” at “Time is the ultimate storyteller” at “Friends pero holding hands?!”
***
HINDI na napigilan ni AiAi delas Alas ang pumatol sa Globe.
Matagal na raw siyang nagtitimpi sa serbisyo ng mga ito at lalo na kung paano maningil at biglang nagpuputol.
Sabi ni AiAi sa kanyang Instagram account, “GLOBE MATAGAL NAKONG NAGTITIMPI SA INYO,, NAIINTINDIHAN NYO BA YUNG MESSAGE NYO NGAYUN NYO PINADALA WITHIN 3 days TAPOS PUTOL NA AGAD NGAYUN..???? DAPAT WITHIN THE DAY ANG ILAGAY NYO !!!!!! buti nalang SMART endorser ako dati … ayoko na sa globe talaga!!!!!!”
At sinundan niya ng sunod-sunod na hashtags na, “agad agad putol,” “walang chance gumising muna saka bayaran,” “excited sa 5 thousand,” “pahirap sa mamamayan, “platinum pa ko nito,” “nega sa umaga.” At saka itinag niya talaga ang @enjoyglobe.
May pahabol pa ito in all bold letters na, “Palitan n’yo ‘yang enjoy Globe n’yo kasi ‘di naman ka-enjoy-enjoy ginagawa n’yo sa amin.”
Marami naman ang nag-comment sa post na ito ni AiAi at nag-share ng same experience nila sa isa sa leading internet at call provider sa banasa. Sabi pa ni AiAi sa comment ni Mamalits na grabe maningil palpak naman palagi ang signal na, “partner sa totoo lang lumalabas pa kaya ako ng pinto namin kasi wala silang signal punyeta ang yayabang palpak naman. Ako naman gaga, nagtiis ng mahabang panahon.”
(ROSE GARCIA)
-
DOTr: National standards sa paggamit ng iisang payment systems sa lahat ng transport modes inaayos
Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) ng nationwide standards specifications para sa fare media at transit readers para sa planong “nationwide interoperable automated fare collections systems (AFCS)” sa lahat ng transport modes. “We are formulating and finalizing the release of the AFCS National Standards to ensure interoperability and mutual trust among multiple automatic fare […]
-
SARAH, binigyang pugay ang mga magulang sa virtual concert; MATTEO, ibinahagi ang kanilang wedding photo shoot
NAGING touching sa amin, kahit na wala sa mismong virtual concert ni Sarah Geronino na Tala The Film Concert ang mga magulang niya at kapatid. May isang segment na binigyang honor ni Sarah ang mga magulang. Kahit open sa publiko ang nangyaring pagtutol ng parents ni Sarah sa pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli, […]
-
Grab sa TNVS: ‘Inactive’ drivers, alisin sa master list
PINAKIUSAPAN ng ride-hailing giant na Grab ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na alisin sa master list nito ng transport network vehicle service (TNVS) drivers ang mga inactive na miyembro. Sinabi ni Grab president Brian Cu na tinatayang higit sa 5 milyong tao ang magbo-book ng biyahe sa buong Metro Manila sa […]