Papal nuncio: Pope Francis, posibleng magtalaga na ng bagong Manila archbishop
- Published on March 2, 2021
- by @peoplesbalita
Naniniwala si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na posibleng magtalaga na si Pope Francis ng posibleng kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa Archdiocese of Manila.
Ayon kay Archbishop Brown, posibleng hindi na raw ito tumagal pa at maaaring maglabas na ng pasya ang Santo Papa.
Nang mag-umpisa ang tour of duty no Brown sa Pilipinas noong nakalipas na taon, sinabi nito na mas lalong bibilis ang proseso sa pagtatalaga ng bagong Manila archbishop.
Kung maaalala, kasalukuyang nasa “sede vacante” ang Archdiocese of Manila matapos italaga na si Tagle bilang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Kasalukuyang namumuno sa archdiocese si Bishop Broderick Pabillo bilang apostolic administrator.
Maliban sa Maynila, mayroon pang limang bakanteng archdiocese sa bansa na kinabibilangan ng San Jose de Mindoro, Taytay, Calapan, Alaminos at Malaybalay.
-
Scola ambassador ng 2023 FIBA WC
PINANGALANAN si Argentina hero Luis Scola bilang Global Ambassador ng FIBA Basketball World Cup 2023 na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia. Bilang ambassador, pangungunahan ni Scola ang pagpo-promote sa FIBA World Cup kabilang na ang draw ceremony na idaraos sa susunod na taon. Si Scola ang second all-time top scorer […]
-
Basketball jersey ni Jordan naibenta ng mahigit P235-M
NAIBENTA sa halagang $4.68 milyon o katumbas mahigit P235-M ang basketball jersey ni NBA legend Michael Jordan. Ayon sa Sotheby auction sa New York na isinuot ni Jordan ang nasabing jersey sa championship season ng Chicago Bulls mula 1996 hanggang 1997. Inaasahan na nila na hindi bababa sa $4 hanggang $6-M […]
-
‘Anora’ ni Sean Baker, waging-wagi sa 97th Oscar Awards: MIKEY MADISON, kinabog si DEMI MOORE sa pagka-Best Actress
PINARANGAL na ang bagong set of winners na nakapag-uwi ng most coveted Oscar statuette sa 97th Academy Awards last Monday, March 3 (Manila time), na ginanap sa Dolby Theatre at Ovation Hollywood sa Los Angeles, USA. Naglaban-laban sa Best Picture ang ‘Anora’, ‘The Brutalist’, ‘A Complete Unknown’, ‘Conclave’, ‘Dune: Part Two’, ‘Emilia Pérez’, ‘I’m Still […]