Para-athletes ng bansa handa sa pagsabak sa Tokyo Paralympics
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Wala pa ring papayagang manood ng Tokyo Paralympic games.
Magsisimula kasi ito ngayong araw hanggang Setyembre 5.
Tiwala si Philippine chef de mission Francis Diaz na mamamayagpag muli ang mga pambato ng bansa.
Mula kasi sa dating anim na kalahok ng bansa ay naging lima na lamang dahil sa pagpositibo ng isang atleta sa COVID-19.
Pangungunahan ito ni wheelchair racer Jerrold Mangliwan na siyang flag bearer sa opening ceremony na lalahok ito sa 400 meter, 100 meter at 1500 meters.
Habang si swimmer Ernie Gawilan ay sasabak sa 200m individual medley, 400 meter freestyle at 100m backstroke.
Ang swimmer naman si Gary Bejino ay lalahok sa 200m individual medley, 50m butterfly, 400m freestyle at 100m backstroke habang si Janette Aceveda ay maglalaro sa women’s discus throw event.
Si Allain Ganapin na siyang unang Filipino na sasabak sa taekwondo, habang ang huling atleta na sasali ay si Achelle Guion para sa powerlifter 45 kg.
Sa kasaysayan ay mayroong dalawang bronze medals na ang nakamit ng bansa sa Paralympics na una ay si Adeline Dumapong para sa powerlifting na nasungkit noong 2000 Games sa Sydney habang si Josephine Medina ay sa larong table tennis na nagbulsa din ng medalya noong 2016 Rio Games.
-
COLLEEN HOOVER INVITES FILIPINO FANS TO WATCH “IT ENDS WITH US,” THE MOVIE ADAPTATION TO THE #1 NEW YORK TIMES BESTSELLING NOVEL
#1 New York Times bestselling author Colleen Hoover is excited to share with her fans in the Philippines the big screen adaptation of her romance novel It Ends With Us. The film follows the journey of Lily Bloom (Blake Lively) as she chases her lifelong dream of opening her own business, while she wrestles with […]
-
Estudyante sa Pinas, may ‘pinakamababang’ performance sa creative thinking
NAHUHULI na ang mga estudyante ng Pilipinas pagdating sa ‘creative thinking’ kumpara sa mga estudyante sa ibang bansa. Sa katunayan, makikita ito sa 2022 cycle ng Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan sinukat ang ‘creative thinking’ o “ability to generate, evaluate and improve ideas to produce original and effective solutions, advance […]
-
Wish ni Duterte sa kanyang 77th b-day: ‘To have a clean, fair, honest election’
MAY KINALAMAN sa darating na May 9, 2022 elections ang wish ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang 77th birthday bukas, March 28. Ito ay ang hangarin na magkaroon ng malinis at patas na halalan sa Mayo ayon sa Malacanang. Dagdag ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, magiging simple at tahimik na […]