• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para bigyang daan ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno: Enero 9, special non-working day sa Lungsod ng Maynila – Malakanyang

Para bigyang daan ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno:
Enero 9, special non-working day sa Lungsod ng Maynila – Malakanyang
IDINEKLARA ng Malakanyang ang araw ng Huwebes, Enero 9, 2025, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila para sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Nakasaad ito sa ipinalabas na  Proclamation No.766 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, may petsang Enero 3 na may pahintulot naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni Pangulong  Marcos ang nasabing deklarasyon “in order to ensure orderly procession of devotees and to facilitate the flow of traffic”, at tugon na rin sa kahilingan ng city government.
May ilang aktibidad naman na naka-iskedyul para sa Feast of the Jesus Nazareno. Kabilang na rito ang ‘visitations’ na kasalukuyang nagpapatuloy mula Enero 1 hanggang 6, na may kasamang First Friday Masses noong Enero 3 at isang special Mass for volunteers sa Enero 6.
Ang tradisyonal na pahalik (kissing of the image) ay isasagawa mula Enero 7 hanggang 9.
Isang overnight vigil at programa naman ang magsisimula sa gabi ng Enero 8 at magpapatuloy hanggang sa umaga ng Enero 9.
Sa Enero 9, pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang midnight Mass bago pa ang Traslacion, isang grand procession na dinaluhan ng milyong mga deboto. (Daris Jose)
Other News
  • Metro Manila bike lane network binuksan

    Binuksan noong nakaraang Martes ng Department of Transportation (DOTr) ang P801.83 million na bicycle lane network sa Metro Manila na siyang huling bahagi ng 497-kilometer nationwide bike lane network na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).     “Today marks the end of the long wait of cyclists for safe and quality […]

  • Philippines bets may 2 golds sa Asian Open

    HUMATAW ang national muaythai team ng dalawang gintong medalya sa 2024 IFMA Asian Open Invitational Cup na ginanap sa Taipei, Taiwan.     Inihayag ng Muaythai Association of the Philippines (MAP) ang panalo nina Ejay Galendez at Floryvic Montero na parehong umani ng gintong medalya sa kani-kanyang dibisyon.   Namayagpag si Ga­lendez sa men’s under-23 […]

  • Donaire nakaabang lang kay Casimero

    Wala pang dumarating na opisyal na komunikasyon kay World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire mula sa kampo ni World Boxing Organization (WBO) titlist John Riel Casimero.     Ito ang isiniwalat ni Donaire kahapon kung saan nakaabang lamang ito sa mga magiging aksyon ng grupo ni Casimero.     Magugunitang […]