Para itigil na ang kanilang hidwaan: K, emosyonal na nakiusap sa tiyahin na tumayong ina-inahan
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
EMOSYONAL na nakiusap si K Brosas sa kanyang tiyahin, na tumayo niya ring ina-inahan, na itigil na nila ang kanilang hidwaan.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong ni Tito Boy si K kung napatawad na niya ang kaniyang tiyahin.
“Yes. Matagal na. Ang tagal naming hindi nag-usap eh,” sagot ni K.
Gayunman, nanawagan si K sa tiyahin na tapusin na nila ang kanilang hidwaan.
“Sana tama na, ‘Ma tama na, itigil na natin ito. Tama na please. Kasi ilang beses na tayong nag-ayos. Tama na po,” sabi ni K, na hindi napigilan ang kaniyang pag-iyak.
“Kasi eighty years old na po ‘yung mama kong nagpalaki sa akin. Lagi kong sinasabi na malaki ang utang na loob ko, alam niyo (Tito Boy) po ‘yung kuwento, hindi ko ipinagkakait ‘yon. Malaki ang utang na loob ko, I will be eternally grateful,” saad ni K.
“Pero sana tama na, tama na ‘yung sumbat. Gusto ko lang naman marinig ko na, ‘I’m proud of you. Proud ako sa pagpapalaki sa anak mo, sa buong pamilya mo.’ Sana don’t take this the wrong way, pero tama na,” patuloy niya.
Ayon kay K, hinahanap-hanap niya rin ang pagiging proud sa kaniya ng kaniyang ina-inahan.
“Gusto kong ma-recognize nila na ‘Nakaka-proud pala ‘yung narating ng anak ng kapatid ko, ng pamangkin ko.’ Hindi ko kasi narinig ‘yun eh ng very light,” paglalahad ng singer-TV host.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Bilang ng mga nakapag-rehistrong botante sa kabuuan ng registration period, mahigit doble sa target ng Comelec
Ikinatuwa ng Commission on Elections ang mahigit dobleng bilang ng mga nagrehistrong botante sa kabuuan ng voter registration na nagtapos kahapon, Setyembre-30. Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, tatlong milyong registrants lamang ang target ng komisyon noong binuksan ang registration period noong buwan ng Pebrero. Ang naturang target ay kapwa mga bagong […]
-
Expansion ng PGH, itinulak ni Bong Go
ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang legislative bill na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH). Mula sa kasalukuyang 1,500 beds nais ni Go na gawing 2,200 bed capacity ang PGH bilang bahagi ng ang kanyang layunin na palakasin ang imprastraktura […]
-
Makabagong usapin sa draft K-10 curriculum base sa “facts”-DepEd
BASE sa “facts” ang panukalang isama sa draft ng K-10 curriculum ang contemporary issues gaya ng West Philippine Sea at human rights. Sinabi ni Department of Education spokesperson Undersecretary Michael Poa na layon din nito na gabayan ang mga estudyante sa mga konsepto na kanilang naririnig sa balita at kanilang kapaligiran. […]