• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para kay Panelo, binatang may autism, imposibleng mang-agaw ng baril at manlaban sa pulis

IMPOSIBLE para sa pinatay na binatang may “special needs” ang mang-agaw ng baril at manlaban sa isinagawang raid sa illegal cockfight sa Valenzuela City.

 

Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo.

 

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang maimbestigahang mabuti ang pagkamatay ng 18 taong gulang na si Edwin Arnigo, taong may autism na di umano’y nang-agaw ng service firearm ng isa sa mga nag respondeng police officers sa nasabing operasyon.

 

“Meron daw pinatay na 18 taong gulang na autistic. Aba’y tinamaan ng ano… Kailangan… At pulis pa daw diyan sa Valenzuela. Aba, kailangang maibestigahan ito,” ayon kay Panelo sa kanyang commentary show na “Counterpoint.”

 

Umaasa si Panelo na magsasagawa ng impartial probe si Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar, lalo pa’t malabong masangkot sa “gun scuffle” si Arnigo.

 

“Hindi tayo papayag na special child eh nanlaban daw. Teka muna, paano manlalaban ang special child na ito eh hindi naman marunong humawak ‘to ng baril ,” anito.

 

Nauna rito, nagsagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang PNP Internal Affairs Service at National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Arnigo.

 

Ipinag-utos na rin ni Eleazar ang administrative relief ng apat na pulis na sangkot sa pagkamatay ni Arnigo.

 

Ang apat na pulis na sinibak sa puwesto ay sina M/Sgt. Christopher Salcedo and Corporals Kenneth Pacheco, Rodel Villar, at Rex Paredes.

 

Tiniyak naman ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar na walang magiging cover-up sa imbestigasyon sa pagkamatay ng binatang may autism sa Valenzuela.

 

Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo.

 

Sinabi ng pulisya na nang-agaw umano ng baril si Edwin kaya nabaril. Pero pinabulaanan ng pamilya ng biktima ang pahayag ng mga awtoridad.

 

Samantala, walang dapat na ikatakot ang mga testigo para sabihin ang kanilang nalalaman sa insidente.

 

“Alam po ninyo, kailangan matigil lahat ito. Kaya tama itong ginagawa ni Gen. Eleazar, nagiging pursigisdo siya na linisin yung mga rascal diyan sa loob ng PNP at maging masigasig din siya sa pagtugis ng mga kriminal at bigyan ng solusyon lahat ng problemang naka-atang sa kanila,” ani Sec. Panelo. (Daris Jose)

Other News
  • Duque at Lorenzana naka-quarantine matapos makasalamuha ang mga COVID-19 positive

    Kapwa naka-quarantine matapos sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na sila ay ma-expose sa COVID-19.     Sinabi ni Duque na nakasalamuha nito ang isa sa kaniyang staff ay nag-positibo sa COVID-19 noong Disyembre 31.     Nakatakda itong sumailalim sa COVID-19 […]

  • Aminadong nate-tense na sa play nila ni Liza: ICE, halos ma-praning nang magkaroon ng ear infection

    Sa pagdiriwang ng Pride Month sa buwang ito, magaganap ang world premiere ng Choosing (Not A Straight Play) mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7, 2024, sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati.       Original play ito na nilikha ng powerhouse LGBTQIA+ couple na sina Ice Seguerra at Liza Dino at ididirek ng […]

  • “UNCHARTED” REVEALS FIRST-LOOK OF TOM HOLLAND AS NATHAN DRAKE

    COLUMBIA Pictures has un- veiled the first-look images its upcoming action adventure Un- charted, adapted from the massively popular PlayStation/ Naughty Dog video game franchise.   Get your first look at Tom Holland as the young Nathan Drake and other iconic images in the stills below.   In his interview with Collider.com, Holland revealed the […]