• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para makabyahe ang motorcycle taxis, permiso ng mga mambabatas kailangan munang makuha

KAILANGAN muna ng mga motorcycle taxis ng permiso mula sa mga mambabatas bago pa makabalik sa lansangan.

 

Ito’y dahil sa patuloy na umiiral na ‘limit modes’ ng public transport dahil sa coronavirus pandemic.

 

Ang inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa House transportation committee ang resumption o pagbabalik ng pilot study sa motorcycle taxis.

 

“Hindi kasi puwede namang mag-operate nang walang franchise, pero kung papayagan naman ng Kongreso through a resolution iyong continuation ng pilot study prior to the approval of the franchise, mapapayagan naman sila,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“The best solution of course is for Congress to pass the franchise as law already, but we leave that to the sound judgement of Congress,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang three ride-hailing platforms na nagpartisipa sa trial na nagtapos noong Marso ay Angkas, Joy Ride, at MoveIt.

 

Naging popular ang Pioneer Angkas dahil sa pagbibigay ng murang ride-hailing services at mabilis na byahe sa traffic- choked roads sa Metro Manila.

 

Sa kabila ng 50 percent ng ekonomiya ang muling nagbukas sa mga lugar na nasa ilalim ng looser lockdown, ang public transport system ay nago-operate ng 30 percent lamang ng pre- pandemic capacity.

 

“To serve more passengers, President Rodrigo Duterte’s Cabinet on Monday approved a one-seat-apart rule inside public vehicles,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ang bagong panuntunan ay magiging epektibo matapos mailathala sa journal Official Gazette ng pamahalaan at pagpapalabas ng alituntunin mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

 

Araw ng Martes nang payagan ng LTFRB ang 4,820 jeepney para mamasada sa Metro Manila. (Daris Jose)

Other News
  • Manggagawa ng POGO, alis na- BI

    SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na lahat ng manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) and Internet Gaming Licensees (IGLs) ay kinakailangan ng umalis sa bansa sa loob ng 60 na araw.     Ang hakbang ay bunsod sa direktiba ni President Ferdinand “Bong Bong” Romualdez Marcos, Jr.na ipagbawal na ang […]

  • VIN DIESEL, winelcome ang Oscar winner sa kanyang IG post: ‘Captain Marvel’ star na si BRIE LARSON, kasama na sa cast ng ‘Fast and Furious 10’

    WALA raw balak na magkaroon ng lovelife muna ang tinatawag ngayon na ‘Hugot Queen ng Bayan’ na si Hannah Precillas dahil mas nakatuon daw ito ngayon sa kanyang career bilang singer and performer.     Ngayon at maluwag na ang restrictions, sunud-sunod na ang schedules niya para sa ilang regional shows para sa Kapuso network. […]

  • Arsobispo, nagpapasalamat sa “go signal” ng pamahalaan na makapagdiwang ng Simbang Gabi at Misa de Gallo

    Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na hindi padadala sa takot bagkus ay palakasin ang pananampalataya sa Panginoon.   Sa homiliya ng arsobispo sa unang Misa de Gallo na ginanap sa Archdiocesan Shrine of Immaculate Heart of Mary sa Minglanilla Cebu, sinabi nitong higit na makatutulong ang pagkapit sa Diyos sa gitna ng […]