• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para palakasin ang PH-US security ties: VP Harris nasa Pinas na

DUMATING na sa Pilipinas si  United States (US) Vice President Kamala Harris para sa serye ng engagements nito kabilang na ang pakikipagpulong kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

 

 

Nakatakda ring bumisita si Harris sa  Palawan.

 

 

Sina Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Pasay Rep. Antonino Calixto, US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at Reynold Munsaya, tagapagsalita ni Duterte ang nag-welcome kay Harris sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ayon sa isang  senior US administration official,  ang nakatakdang miting ni Harris kay Pangulong Marcos at Duterte ay nakatuon sa pagpapalakas sa  Philippine-US security alliance at economic relationship.

 

 

Muli nitong pagtitibayin ang US defense commitments sa Pilipinas at ang kahalagahan ng kanilang alyansa pagdating sa kapayapaan at katatagan sa  South China Sea.

 

 

“They will discuss upholding international rules and norms,” ang pahayag ng isang the US official.

 

 

“We anticipate there will be deliverables and new initiatives on this front, as well, related to the digital economy and upskilling and accelerating the transition to clean energy,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang makipagpulong si  Harris sa  civil society activists  bilang bahagi ng kanyang patuloy na suporta para sa human rights at democratic resilience.

 

 

Magpapartisipa rin si Harris sa  isang “moderated conversation”  o  town hall kung saan ang mga filipinang kababaihan ang kanyang audience.

 

 

Gayundin, nakatakdang bumiyahe si Harris papuntang  Puerto Princesa, Palawan  para  ipakita ang commitment ng administrasyon ng Estados Unidos na suportahan ang PIlipinas sa  rules-based international maritime order sa  South China Sea.

 

 

“The Vice President will deliver remarks underscoring the importance of international law, unimpeded commerce, and freedom of navigation in the South China Sea,” ayon sa US official.

 

 

Nakatakda ring makipagpulong si Harris sa mga mamamayan, civil society leaders, at kinatawan ng Philippines Coast Guard (PCG).

 

 

“And now, in her engagement with the Philippines Coast Guard, which has benefitted from US partnership, training, and equipment, she will see firsthand the outcomes of this partnership and discuss how to strengthen it even further with new funding and initiatives,” ang pahayag ng US official.

 

 

Si Harris  ang highest-ranking US official na nakatakdang bumisita sa Palawan. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 5, 2020

  • Sobrang nag-benefit ang mga artista: EULA, blessed na na-experience ang first collab ng GMA at ABS-CBN

    KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m.       Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap […]

  • IPs, LGUs kasama sa Kaliwa Dam talks sa gitna ng kritisismo

    TINUKOY ng Malakanyang na kasama ang mga indigenous people’s groups at local government units (LGUs) sa negosasyon para sa pagsisimula ng Kaliwa Dam project sa Quezon at Rizal province.     Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na umapela ang grupong Kababaihang Dumagat ng Sierra Madre kay presidential bet […]