• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa kanila kaya ito ni Rayver?… JULIE ANNE, ipinasilip ang nabiling lote na patatayuan ng rest house

IPINASILIP ni Julie Anne San Jose ang ground breaking ng kanyang nabiling lote. 
 At sa pictures na ipinost niya, makikitang kasama pa rin niya ang rumored boyfriend na si Rayver Cruz.
Walang detalyeng inilagay si Julie Anne sa kanyang post. Pero base sa nalaman namin, halos 4,000 square meters daw ang lote nito sa Tagaytay.
Plano ni Julie na patayuan ito ng isang private rest house at do’n daw siya kapag may gagawing kanta.
Siyempre, dahil nga kasama niya si Rayver nang mag-ground breaking, may mga nag-iisip agad na baka para sa kanilang dalawa na ito, huh.
Anyway, hindi lang talaga maingay si Julie, pero balita namin, dalawang bahay na ang naipapatayo nito at nabili na rin ang mga katabing lupa.
In fairness, nakakatuwa na may kinapupuntahan talaga ang mga pinaghihirapan at pinagpapaguran niya.
Sa isang banda, this July na rin mapapanood sa mga sinehan ang movie nina Rayver at Julie, ang “The Cheating Hearts.”
***
IPINOST ni Janno Gibbs sa kanyang Instagram account ang larawan ng anak na si Gabriella Gibbs o si Gabs at ishinare rin ang feature ng @wondermagph kunsaan, napili nitong mag-open about her sexual preference.
Ayon kay Janno, “So proud of my @gabsgibbs for bravely embracing her true self. Papa’s got your back, whatever path you choose to follow.”
Sa edad na 25, sure na raw si Gabs kung ano o sino siyang talaga.
“I’m queer,” ang diretso raw na naging pag-amin niya at inamin nito na confident siya na maiintindihan at tatanggapin siya ng mga magulang, considering na expose ang mga ito sa LGBTQ+ sa klase ng trabaho.
Meron na rin itong girlfriend.
Pride month ngayon. Kung matatandaan, last year, ang anak nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan ang nag-come-out din as queer.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Ayuda para sa mga Solo Parents, nilunsad sa Navotas

    NASA 220 Navoteñong mga kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng P2,000 cash tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng verification ng kanilang bagong-apply o na-renew na solo parent identification card sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program. Ani Mayor John Rey Tiangco, ito na ang pang-apat na batch ng solo parents […]

  • 8 biktima ng Human Trafficking sa Israel, ni -rescue

    SA kabila ng nagaganap na krisis sa Israel, na-rescue ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI)  ang walong biktima ng human trafficking n ani-recruit upang magtrabaho sa nasabing bansa. Ayon sa  Bureau of Immigrations (BI) immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang babaeng trafficker kasama ang mga biktima ay tinangkang sumakay ng Emirates […]

  • Mga botante, hinikayat na na i-report ang mga kaso ng electoral fraud

    UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga botante na ireport sa tamang awtoridad ang anumang vote buying o vote selling activities sa kanilang komunidad.     “Kung may nakita tayo na kakaiba, ireport kaagad natin. Wag kayong mangimi sa pagrereport ng election irregularity at para maaksyunan natin […]