Para tugunan ang problema sa kuryente: PBBM, naghahanap ng bagong pagkukuhanan ng power supply
- Published on May 15, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP ang gobyerno ng bagong pagkukuhanan ng power supply para tugunan ang problema sa enerhiya ng bansa.
Tanggap naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ipinahayag ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na kulang sa suplay ng kuryente ang Pilipinas.
“Tama naman ‘yung assessment na talagang kulang ang kuryente natin eh. So what else can we do? Find new sources. That’s what we’re trying to do. The situation with the renewables is also improving but we may have found some other technologies na hindi mag-antay ng lead time ng six, seven years,” ayon sa Pangulo.
Kaya nga aniya, bukas ang Pilipinas sa anumang klase o uri ng power supply na makatutugon sa problema sa enerhiya.
“So pinag-aaralan naming mabuti. When it comes to power, we’re open to everything. Kahit na ano na puwede nating makuha para makapag-addition sa power supply natin. Siyempre nandiyan pa rin lagi nating iniisip ‘yung kailangan parami na ‘yung renewables, pabawas na ‘yung fossil fuels,” ang wika ng Pangulo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na inaasahan na mamumuhunan sa Pilipinas ang NuScale Power Corp. ng Oregon ng Estados Unidos ng $6.5 billion hanggang $7.5 billion para makapagbigay ng 430MW sa bansa sa 2031 kasunod ng pakikipagpulong kay Pangulong Marcos.
Sa naging pagbisita ng Pangulo sa Amerika, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang suporta ng NuScale ay makatutulong na matugunan ang nasabing problema.
“We need everything. We just have to have everything and this new technology is something,” ani Pangulong Marcos.
Samantala, hinikayat naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang Malakanyang at matataas na opisyal ng Department of Energy na tugunan ang “nationwide power crisis.” (Daris Jose)
-
Awardee na si Piolo, matuloy pa kayang host?: Postponed muna ang ‘The 6th EDDYS’, ililipat ng petsa at venue
IPINAAALAM ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ang nakatakdang The 6th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice sa darating na Oktubre 22 ay hindi muna matutuloy. Nagdesisyon ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd na i-postpone ang pagsasagawa ng ika-anim na edisyon ng The EDDYS na gaganapin sana sa EVM Convention Center sa Quezon […]
-
Panawagang pagkuha ng drug tests sa showbiz industry, public servants, pinapurihan
PINAPURIHAN ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Senador Robinhood Padilla sa panawagan nito sa lahat ng government officials at employees, maging mga kasamahan sa showbiz industry na sumailalim sa drug tests, bilang magandang halimbawa sa publiko. “Atin pong pinupuri si Sen. Padilla sa kanyang position na dapat maprotektahan ang mga […]
-
Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nabawasan – PSA
NAKABALIK na sa pre-pandemic level ang bilang ng walang trabaho sa bansa. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong Oktubre ay umabot na sa 4.5 percent ang bilang ng mga walang trabaho ito na ang pinakamababang level sa loob ng 17 taon. Mas mababa pa ito ng limang porsyento noong […]