• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parehong matapang at matulungin sa mga mahihirap: Sen. RAFFY at Sec. ERWIN, nagbukuhan sa ‘Korina Interviews’ ni KORINA

ANO nga ba ang meron sa Tulfo Brothers na may katumbas ng respeto ang kanilang pangalan at halos lahat ay nanginginig sa kanila?

 

“Matagal ko nang kakilala ang magkapatid na Raffy at Erwin at sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal ko na silang na-interview ng magkasama!

 

“At ngayon Senador na si Raffy at DSWD Secretary na Erwin. Wow,” pahayag ni Korina Sanchez-Roxas.

 

Sa latest episode ng ‘Korina Interviews’ last Sunday (November 2) sa NET25, una ngang sinalang ang interview ni Ate Koring kay Idol Raffy.

 

Isa nga naibatong tanong ni Korina kung nakaka-frustrate ba ang maging isang Senador.

 

Pag-amin naman ni Sen. Raffy, “Medyo, kasi marami tayong batas kung tutuusin. We have so many good laws, ang problema lang ay ang implementations.

 

“Nandyan na ‘yun, kaya lang ang mga nakaupo, tamad, ayaw i-implement. Kaya nandun ako, para kumuha ng latigo, para-boom.”

 

Wala naman daw siyang tunay na latigo, kaya sabi ni Korina, pwede siyang magregalo, dahil meron siya sa kanyang bahay.

 

Doon daw nagagalit ang senador, kaya pinu-push niya at inilalabas ang mga problema, lalo na sa may kinalaman sa OFW at manggagawa.

 

Inamin din ng Senador sa ‘Korina Interviews’, na si Sec. Erwin ang favorite ng nanay nila kamukha ito ng kanilang tatay, pero siya naman ang favorite ng lola nila na kung saan sampu silang nagkakapatid, dahil kamukha raw siya ng kanyang lolo.

 

Pero sila naman ang pinaka-close sa magkakapatid, dahil magkasunod sila. Kaya pati ang first girlfriend ni Erwin at nabanggit ni Raffy.

 

Isa pa sa ibinahagi ni Sen. Raffy na siya ang pinakamahirap at dumaan sa butas ng karayom. Nakituloy siya sa iba’t-ibang kamag-anak para makapag-aral. Pati ang iba’t-ibang naging trabaho niya dito at maging sa Amerika, at hindi niya ikinahihiya.

 

Sa part naman si Sec. Erwin, inamin niya na disiplinarian ang kanilang 96-year mother, na half-Japanese, kaya mas takot silang magkakapatid, kahit na ang tatay nila isang militar. Na naging daan naman para maging matapang sila.
Hindi naman nasagot ni Erwin kung sino an fo ano name ng first gf ng Kuya Raffy niya, pero inamin niya na ‘crush ng bayan’ ito noong High School, kaya maraming naging syota.

 

Si Sen. Raffy din ang kenkoy sa buong pamilya, kahit corny na ang jokes nito, natatawa pa rin sila.

 

Sa bandang huli ng interview, ibinahagi rin niya kung paano sina napili ni Pres. BBM na maging kalihim ng DSWD at hindi naman siya nagdalawang-isip, kahit sobrang hirap ng magiging tungkulin niya.

 

Pareho ngang kilalang matapang at matulungin sa kapwa ang Tulfo Brothers, kaya maraming sumasaludo at nagpapasalamat sa magkapatid sa kanilang ginagawa. Dahil para nga silang hulog ng langit sa mga mahihirap, lalo na ngayong nasa tamang posisyon na sila sa gobyerno.

 

Panoorin muli ang kabuuan at alamin kung paano magbukuhan sina Raffy at Erwin sa ‘Korina Interviews’ sa Youtube channel ng NET 25 at sa ‘Rated Korina’ YT channel ni Korina.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Winnie The Pooh Horror Movie Image Reveals Young Christopher Robin

    NEW Winnie-the-Pooh: Blood and Honey images reveal a young Christopher Robin in the upcoming slasher film.   With Winne-the-Pooh now in the public domain, meaning that Walt Disney no longer holds exclusive rights to the characters, this allowed writer/director Rhys Frake-Waterfield to develop a demented reimagining of A. A. Milne and E. H. Shepard’s Winnie-the-Pooh […]

  • P1K PARA SA SENIORS

    P1K PARA SA SENIORS: Kinakausap ni Mayor John Rey Tiangco ang isang lola matapos nitong i-anunsyo sa selebrasyon ng ika-118th Navotas Day na makakatanggap na ng P1,000 birthday gift ang mga rehistradong senior citizen sa Navotas City simula ngayong taon bilang dagdag na NavoRegalo sa kanila. (Richard Mesa)

  • Maynila lugmok sa utang!

    MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa.     “Nakalulungkot kasi po, napakaraming pera … pero umutang pa ang city hall ng mahigit sa P15-bilyon na ginastos sa mga maling priority. Sino ang hindi madidismaya sa economic condition ng […]