PARI NA KABAHAGI NG PEACE PROCESS, PUMANAW NA
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
PUMANAW na ang pari na kabahagi sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.
Sa impormasyong inilabas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines, atake sa puso ang ikinasawi ni Father Eliseo “Jun” Mercado Jr, 72 anyos
Gayunman, negatibo na sa Covid-19 si Father Mercado nang bawian ng buhay kahapon sa Cotabato Regional Medical Center
Si Fr. Mercado ay nauna nang na-ospital mula May 8 dahil sa kumplikasyon dulot ng Covid 19.
Kilala itong eksperto sa papel ng Islam sa Pilipinas at Timog-Silangan Asya at kabahagi ng peace process.
Tumanggap din ito ng parangal mula kay yumaong dating Pangulong Corazon Aquino dahil sa papel niya sa pagsusulong sa kapayapaan sa Mindanao.
Pagkilala rin ang ipinagkaloob ni dating Pangulong Fidel Ramos kay Father Mercado dahil sa papel nito sa GRP Moro National Liberation Front peace talks at bahagi sa Southern Philippines Council for Peace and Development Consultative Assembly. (GENE ADSUARA)
-
Pananaw ng mga Pilipino sa COVID-19, isinalang sa survey ng SWS
Lumabas sa resulta ng bagong surver na isinagawa ng Social Weather Station na 9 sa 10 Pilipino ang nangangamba na magkaroon ng coronavirus disease ang kanilang mahal sa buhay. Sa survey na ginawa mula Hulyo 3 hanggang 6, lumabas na 85 percent ng 1,555 respondetns ang takot na mahawaan ng deadely virus ang sinomang […]
-
Samahan sa makabuluhang usapan sa ‘Heart-2-Heart’: ARNOLD, masaya na kasama na uli ang kanyang mentor na si DJ LAILA
LAST month lang pala lumipat si Arnold Rei dela Cruz na kilala ring DJ Poy sa Radyo5 TRUE FM na kung saan binigyan agad siya ng sariling radio program, ang ‘Heart-2-Heart’. Kaya masayang-masaya siya dahil kasama na niya uli sa istasyon ang isa sa itinuring na mentor na si DJ Laila Chikadora. […]
-
Fully vaccinated na mga batang nasa 12 to 17y/o, pumalo na sa 7.5M- Malakanyang
PUMALO na sa 7.5 milyong mga bata na nasa 12 to 17 y/o ang fully vaccinated, “as of Jan 28, 2022.” Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, resulta aniya ito sa patuloy na pagbabakuna ng pamahalaan sa mga naturang age group. Ani Nograles, makasisiguro naman ang lahat […]