• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PARK SEO JOON, kumpirmadong kasama sa cast ng ‘Captain Marvel 2: The Marvels’; kinabog ang ‘Top 10 Highest Paid Korean Actor’

KINABOG nga ni Park Seo Joon ang dahil kinumpirma ng kanyang agency na Awesome ENT noong Friday, September 3 ang paglabas nito sa Marvel Studios film.

 


      Spotted nga si Park Seo Joon that day na umalis ng Seoul papuntang Los Angeles, California via Incheon International Airport, at marami ang nag-speculate na ang pagpunta niya ng Amerika ay paghahanda na para sa kanyang Marvel Studios debut.

 

 

Naglabas naman agad ang agency niya ng official statement tungkol dito: “Hello, this is Park Seo Joon’s agency Awesome ENT.  

 

 

“It’s true that Park Seo Joon departed for Los Angeles earlier this afternoon after confirming his casting in the new Marvel Studios film.

 

 

“First, we would like to sincerely thank those of you who have shown great interest in Park Seo Joon’s new challenge. We know very well that you are all very curious about what production he will star in, what his character will be, where he will film, for how long, and more.

 

 

“However, we will not publicize more specific details until a later time.

 

 

“We now ask that you cheer on Park Seo Joon so that he can wrap up his filming successfully and return safely.

“Thank you.”

 

 

Ayon nga sa lumabas na balita, makakasama si Park sa cast ng sequel ng Captain Marvel, na pagbibidahan pa rin ni Brie Larson kasama sina Teyonah Parris (Monica Rambeau) at Iman Vellani (Kamala Khan).

 

 

At ayon pa sa lumabas na tsika ang gagampanan daw na character ni Park ay si Amadeus Cho a.k.a Brawn, isang Korean-American teen hero sa Marvel Universe, para nga sa upcoming film na Captain Marvel 2: The Marvels, na mula sa direksyon ni Nia DaCosta.

 

 

Si Park ang third actor of Korean descent na bibida sa Marvel movie, nauna si Claudia Kim na gumanap na si Helen Cho sa Avengers: Age of Ultron (2015) at ang Korean American na si Ma Dong-seok, or Don Lee, sa upcoming movie na Eternals na gaganap bilang Gilgamesh.

 

Ang 32-year-old Korean actor ay sumikat sa hit TV series tulad ng romantic comedy na What’s Wrong with Secretary Kim (2018) at sa drama na Itaewon Class (2020). Nagkaroon din siya ng cameo appearance sa Oscar-winning black comedy na Parasite (2019).

 

 

Bago siya umalis ng Seoul, natapos niya ang movie na Concrete Utopia, kasama sina Lee Byung-hyun at Park Bo-young.

 

 

After ng shooting niya para sa The Marvels by the end of the year, at sa kanyang pagbabalik, sisimulan agad niya K-drama na Gyeongseong Creature.

 

 

Samantala, ayon sa Hallyuwire.com ang Top 10 Highest Paid Korean Actors in 2021 ay pinagununahan pa rin ni Kim Soo Hyun na ayon sa report ay makatatanggap siya 500 million won, o nasa $440,000 per episode para sa upcoming K-drama na One Ordinary Day.

 

 

Nasa Top 2 naman ang kinababaliwan pa rin ng mga Pinoy na si Hyun Bin (estimated $113,000 per episode) at pangatlo si So Ji Sub (estimated $90,000 per episode).

 

 

Kukumpleto sa Top 10 highest paid actor sina Jo In Sung (estimated $89,000 per episode), Lee Min Ho (estimated $84,000 per episode), Song Joong Ki (estimated $70,000 per episode), Ji Chang Wook (estimated $67,000 per episode), Lee Seung Gi (estimated $59,000 per episode), Yoo Ah In (estimated $58,500 per episode at Lee Jong Suk (estimated $50,000 per episode).

 

 

For sure, after na maipalabas ang Captain Marvel 2: The Marvels worldwide, tataas pa ang talent fee ni Park See Joon.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • HINDI makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Charlotte Hornets point guard at NBA star LaMelo Ball. Ayon sa Hornets na nagtamo itong strained left calf injury. Natamo nito ang injury sa pagkatalo ng koponan laban sa Miami Heat. Dagdag pa ng koponan na sasailalim pa siya sa re-evaluation sa Disyembre 11 o matapos ang dalawang linggo mula ng kaniyang pagkaka-injury. Si Ball ay mayroong average na 40.3 points sa loob ng apat na laro. Mayroon din itong average na 5.4 rebounds, 6.9 assists at 1.1 steals. Mula ng naging overall 3 pick noong 2020 ay nagkakaroon na ito ng mga injury kadalasan sa kaniyang ankles.

    SHADOW rises. Chaos is coming.     Get ready for chaos and adventure like never before! The highly anticipated “Sonic the Hedgehog 3” lands in Philippine cinemas on January 15, 2025. The newly released trailer offers a sneak peek into Sonic’s most electrifying challenge yet.       In this thrilling chapter, Sonic, Knuckles, and […]

  • DICT, pabor na I-regulate ang paggamit ng TikTok sa Pilipinas

    Pabor ang Department of Information and Communications Technology na I-regulate ang paggamit ng Social media platform na TikTok sa Pilipinas.       Ito ang inihayag ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy kasunod ng paghahain ng bill sa Kamara de Representantes na naglalayong ipagbawal sa bansa ang mga Foreign adversary-controlled applications tulad ng TikTok.     […]

  • DINGDONG, ‘di napigilang i-share ang first time na makapag-swing si SIXTO; MARIAN, nakaalalay lang sa anak

    NAKATUTUWA ang pinost na photos ni Dingdong Dantes sa kanyang IG account na kung saan nasubukan na rin ni Sixto ang mag-swing sa park kasama si Marian Rivera.     Caption ni GMA Primetime King, “I couldn’t help myself from documenting his first time to try a swing since he was born. Wala pa kasi […]