• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Party-list group Gabriela, nilabag ang Saligang Batas-Esperon

SINABI ni National Security Adviser (NSA), Secretary Hermogenes Esperon, Jr., na malinaw na nilabag ng party-list group Gabriela ang Saligang Batas dahil sa di umano’y pagtanggap ng financial assistance at suporta mula sa foreign sources.

 

Bahagi ito ng naging testimonya ni Esperon sa video teleconferencing sa idinaos na 2nd Division of the Commission on Election (Comelec) noong Agosto 12, bilang pagsuporta sa petisyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) para sa kanselasyon ng rehistrasyon ng Gabriela Women’s Party (GWP) at  General Assembly of Women and Reforms (GAWR) sa party-list system

 

Ang Gabriela ay pinaiksing General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership and Action, Inc.

 

Nakasaad sa petisyon ng NTF-ELCAC na nilabag ng Gabiela ang Section 2, Paragraph 5, Article 9 (C) ng Saligang Batas ng Pilipinas sa ginawa nitong pagtanggap ng financial assistance mula sa foreign government at non-government organizations (NGOs).

 

Nakita ng political parties na guilty ang Gabriela sa ginawa nitong pagtanggap ng financial assistance at suporta mula sa foreign sources dahilan para makansela ang rehistrasyon nito sa Commission on Elections (Comelec).

 

Maging ang, Rule 32, Section 8 (D) ng Comelec Rules of Procedure na nagsasad na “that receiving support from any foreign government is one of the grounds for the cancellation of the registration of any political party.”

 

Idinagdag pa ni Esperon na tumanggap ang Gabriela ng Belgian financial support, sa pamamagitan ng Belgian accredited NGOs na “subjected” sa external financial audit ng international accounting firm Mazars na kinontrata ng Belgian government para mg- audit o mag- review ng 2014-2016 at 2017-2021 programs nito.

 

Makikita sa report ng Mazar na ang Gabriela, kasama ang Ibon Foundation at Karapatan ay local partners ngViva Salud VZW.,isang Belgian accredited NGO.

 

Samantala, nakasaad naman sa report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na ang Viva Salud ay nagpadala ng remittance sa Gabriela na nagkakahalaga ng P1,811,867.35 noong Marso 28, 2019, at anim na remittances mula sa Intl. Fstone Ltd. of London, United Kingdom na nagkakahalaga ng mulaP1,058,392.42 hanggang P2,190,628.52 mula Setyembre 2015 hanggang Marso 2019. (Daris Jose)

Other News
  • Higit 700 healthcare workers kailangan para sa Metro Manila

    Mahigit 700 ang bakanteng trabaho para sa mga healthcare workers sa Metro Manila, ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega.     Ayon kay Vega, nasa 3,500 trabaho ang binuksan kamakailan sa Metro Manila, pero mayroon pa rin aniyang 22 percent na bakante.   Yung kinakailangan aniya nilang healthcare workers ay para sa […]

  • LTO, DICT maglulunsad ng digital driver’s license

    KUKUNIN ng Land Transportation Office (LTO) ang serbisyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa paglulungsad ng electronic version ng driver’s license bilang bahagi ng pagsisikap ng LTO na magkaron ng digitalization ang driver’s license.     “The digital license would serve as an alternative to the physical driver’s license card, which would […]

  • Chifuyu, Kazutora, and Baji are stand-out characters in “Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle

    A rich cast with exciting performances await fans in the finale of the two-part sequel: Tokyo Revengers: Bloody Halloween- Decisive Battle. Take a peek at some of the notable characters in this epic live-action adaptation. Mahiro Takasugi plays Chifuyu Matsuno, vice captain of Toman’s first division. He’s the right hand man of Baji, Toman’s division […]