Pasahe sa MRT 3 nakaambang tumaas
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
NAKAAMBANG na tumaas ang pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) kapag pinayagan ang muling inihain na petisyon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa pamunuan ng MRT3 ay kanilang gagamitin ang karagdagang pasahe sa pagpapalakas ng kapital para sa operasyon at pagmimintahi ng nasabing railway. Inihain ang petisyon sa Rail Regulatory Unit ng DOTr noong nakaraang linggo.
“MRT 3 management made another push to increase train fares after its previous petition was denied due to its failure to issue a public notice on time,” wika ni DOTr undersecretary Cesar Chavez.
Sinabi naman ni DOTr assistant secretary Jorjette Aquino na ang MRT 3 ay humihingi ng katulad ng taas pasahe na inaprobahan ng DOTR noong nakaraang April para sa Light Rail Transit Lines 1& 2.
Ang hinihingi ng MRT 3 ay maging P13.29 ang boarding fare mula sa dating P11 habang ang distance fare naman ay P1.21 mula sa dating P1 kada kilometro.
Kapag naaprobahan, ang minimum na pasahe para sa MRT 3 ay tataas mula P13 hanggang P16 habang ang maximum na pasahe ay tataas ng hanggang P34 mula sa dating P28. May walong taon na ang nakakaraan ng huling magtaas ng pamasahe ang MRT 3.
Dahil sa subsidy ng pamahalaan, ang isang pasahero ay nagbabayad lamang ng P30 na dapat sana ay P178 mula Recto hanggang Antipolo para sa LRT 2 kung kayat lumalabas na ang subsidy ay P148 kapag dulo sa dulo.
Sisimulan ang pagtataas ng pamasahe sa LRT Lines 1 & 2 sa darating na August 2023 kung saan gagamitin din ang karagdagang pamasahe sa pagpapalakas ng operasyon at pagmimintahi ng nasabing dalawang railways. LASACMAR
-
DTI Sec. Lopez, nagpositibo sa COVID-19
Naka-isolate na si Trade Sec. Ramon Lopez, makaraang magpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Mismong si Lopez ang nagkumpirma ng impormasyon, matapos niyang matanggap ang resulta ng ginawang pagsusuri. Agad namang nagsagawa ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng kalihim, nitong mga nakaraang araw. Kaugnay nito, pinawi ng opisyal ang pangamba ng […]
-
Ads October 25, 2022
-
56 mangingisdang Navoteños nakatanggap ng bangka at lambat
AABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco. Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador. […]