PASAWAY NA MOTORISTA BINALAAN…
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang “No-Contact apprehension program” (NCAP) ng lokal na pamahalaang lungsod na ipatutupad sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.
Isinagawa ang nasabing seremonya sa kanto ng Quirino Avenue at Taft Avenue sa Malate, Maynila kung saan nagbabala si Domagoso ang mga pasaway na motorista na may magbabantay na sa kanila 24/7 at posibleng maharap sa mataas na multa.
Ayon kay Domagoso, may 36 cameras ang nakakalat sa Maynila upang imonitor ang mga pasaway sa kalsada na madadagdagan pa ito sa mga darating na araw.
“24 oras, 7 days a week, 365 days a year, meron pong traffic enforcer kaya lamang technology camera. Then pictures will be taken to those vehicular traffic violators and bills will be sent to your respective home. So whether you are from Mindanao, Visayas, Northern Luzon, Southern Luzon o Metro Manila anytime you pass by Manila isipin niyo lagi may nakabantay sa inyong pamahalaan,” paliwanag ni Domagoso.
Layon ng naturang programa na magkaroon ng kusang disiplina ang mga motorista dahil batay sa resulta sa isinagawang pag-aaral, umaabot sa mahigit 700 traffic violators ang nakukuhanan ng isang camera sa loob lamang ng 24 oras.
Ayon pa kay Domagoso, maaaring magdulot ng aksidente ang simpleng paglabag sa batas trapiko at maaari din itong magresulta ng trapik sa lansangan.
Sa naturang programa, sa oras na makuhanan ng NCAP Camera ang paglabag ng isang motorista sa batas trapiko ay kukunan ang plate number nito at ipadadala ang impormasyon sa tanggapan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kung saan ay iproseso ang impormasyon na nagmula sa Land Transportation Office (LTO).
Sinusuri ng MTPB ang video ng paglabag at agad na magpapadala ng isang Notice of Violation (NOV) sa rehistradong may-ari ng sasakyan.
“Notices are usually sent within two weeks after the date of the alleged violation via registered mail. Disputes on facts stated in notices are heard at the Manila Traffic Adjudication Board (MTAB) that convenes immediately to address possible citizen concerns,” saad ni Domagoso.
Napag-alaman naman kay MTPB Chief of Operation Wilson Chan Sr. na batay sa ordinansa na ipinasa ng konseho ay may pagbabago sa multa laban sa mga pasaway na motorista sa lansangan sa Maynila at ito ay ang mga sumusunod:
Counter Flow – ₱3000
Disobedience of Traffic Control Signal / Disregarding Traffic Signs – ₱2000
Obstruction of the Pedestrian Lane – ₱2000
Driving over a Yellow Box – ₱2000
Over Speeding – ₱2000
Reckless Driving – ₱3000
No Seatbelt – ₱3000
No Helmet – ₱2000
Anti-Distracted Driving – ₱3000
Unregistered Vehicle – ₱3000
Disregarding Lane Marking – ₱2000
Ang mga multa sa paglabag sa batas trapiko ay dumidiretso sa kaban ng bayan bilang suporta sa civic welfare program ng pamahalaang lungsod. Ang mga obligasyon, multa sa trapiko at parusa ay dapat bayaran sa MTPB, o maaaring ayusin sa pamamagitan ng mga itinalagang bangko o remittance center.
Nagbabala naman si Domagoso sa mga traffic violators na hindi sila makakapag-renew ng rehistro ng kanilang sasakyan sa LTO at mahaharap pa sila ng karagdagang multa sa oras na balewalain o hindi mabayaran ang itinakda sa kanilang multa dahil sa paglabag nila sa batas trapiko sa Maynila. (GENE ADSUARA )
-
Transport advocacy group, nanawagan sa Marcos admin na resolbahin ang problema sa transportasyon sa bansa
NANAWAGAN ang isang transpory advocacy group sa Marcos administration na resolbahin ang mga balakid sa transportasyon sa bansa na nagdudulot ng stress sa mga manggagawang commuters na nahihirapan sa pagsakay para makapasok sakanilang mga trabaho at pauwi ng bahay sa araw-araw. Iginiit ni Passenger Forum Convener Primo Morillo na kailangan ng long-term […]
-
Political leader todas sa pamamaril sa Malabon
NASAWI ang isang political leader ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel matapos pagbabarilin ng isang hindi kilalang suspek, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod. Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilala bilang Renato Luis, 47 ng Block 3, KADIMA, Barangay Tonsuya. […]
-
PBBM nanguna sa panunumpa ng kanyang bagong mga cabinet members
NANUMPA na kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa Malacanang. Ginanap ang mass oath-taking ng mga cabinet secretaries sa President’s Hall at sa Reception Hall sinabay na rin sa panunumpa ang ilang local government unit officials mula sa Ilocos Norte at Ilocos Sur. Matapos nito […]