• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pasaway sa VisMin Cup Iba-ban sa lahat ng liga

INUPAKAN din ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. president Alfredo Panlilio ang kontrobersyal na laban ng Siquijor Mystics at Lapu-Lapu City sa Visayas Leg ng 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 elimination round Miyerkoles ng nakraang linggo sa sa Alcantara, Cebu.

 

 

Kinampihan din niya ang pasya nitong Linggo ng Games and Amusements Board at liga sa parusa sa Mytics na ban sa liga, at suspensiyon, multa sa players at coaches ng Lapu-Lapu kinabukasan pagkaraan ng gusot sa men’s hoopfest.

 

 

Pero mas ninanais ng opisyal na i-ban sa lahat liga sa bansa ang mga kasangkot sa alingasngas na hinihinalang may bentahan sa laro dahil sa ayaw i-shoot ng maraming player ang free throws at layups.

 

 

“Moving forward, the SBP will study how such unwanted incidents that unduly stains the integrity of the game of basketball can be prevented from happening again in the future and how those guilty of dishonestly playing the game in this deplorable fashion can be penalized, if not banned outright from engaging in the sport of basketball,” wakas na pahayag ni Panlilio.

Other News
  • Kaabang-abang ang kanilang pagsasanib-puwersa: ARJO, makakasama sina JOHN at JUDY ANN sa spin-off ng ‘Bagman’

    NAKATAKDANG i-launch ng ABS-CBN ang tentpole co-production ng ‘The Bagman’ sa Asia TV Forum & Market (ATF) sa Singapore, kasama ang bida ng serye na si Cong. Arjo Atayde, na dadalo rin sa naturang event.   Sisimulan ang produksyon nito sa Enero 2024, ang eight-part action drama series na kung muling gagampan Arjo ang karakter […]

  • Ads January 4, 2020

  • Ads December 7, 2022