Pasig, gagawing Smart City
- Published on January 23, 2025
- by Peoples Balita
NANGAKO si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya na iaangat ang buhay ng bawat Pasigueno at gagawing ‘smart city’ ang lungsod.
Ayon kay Discaya, sa ilalim ng kanyang administrasyon, titiyakin niya ang pagkakaroon ng pamahalaan ang Pasig City na marunong makinig sa mga residente at walang komunidad o barangay ang mapapabayaan.
Sinabi ni Discaya na plano niyang pagkalooban ang mga Pasiguenos ng mga karagdagang imprastraktura, health insurance, lilikha ng trabaho, magkakaloob ng libreng edukasyon at low-cost housing projects.
Bilang isang construction firm owner, nangako rin si Discaya na magpapatayo ng mas maraming imprastraktura gaya ng mga tulay at konkretong road networks na magkokonekta sa interior barangays sa mga pangunahing kalsada.
“This is a big dream but it should start with a dream because if you do not have a dream, you have no inspiration,” ani Discaya.
Naging inspirasyon naman ni Discaya sa pagtakbo sa halalan ang nakikitang pagdurusa ng mga Pasiguenos mula sa kahirapan, red-tape at kakulangan ng suporta ng pamahalaan. Kilala si Discaya na nagtutungo sa mga underprivileged at low-income communities sa lungsod para sa kanyang regular charity works.
Una nang sinabi ni Discaya na sakaling palaring maging susunod na alkalde ng lungsod, ipaprayoridad niya ang pag-modernize sa lungsod at gawin ito bilang isang Smart City, kung saan ginagamit ang teknolohiya at data sa pagpapahusay ng buhay ng mga residente. (Richard Mesa)
-
Gobyerno tutulong hanggang may nagugutom na Pinoy – Romualdez
“HINDI titigil ang gobyerno na tumulong hanggang may Pilipinong nagugutom,” paniniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam sa Zamboanga City noong Biyernes. Kasama ang higit 90 mga kongresista, namahagi si Romualdez ng milyun-milyong pisong cash assistance at tone-toneladang bigas sa mga taga-Zamboanga City sa ilalim ng Serbisyo Fair Program ni Pang. […]
-
DEREK, ipinagdiinang pinasadya at ‘di ex-deal ang diamond ring na binigay kay ELLEN
TINATAWANAN pero pinatulan din naman ni Derek Ramsay ang tsismis na pinagpasahan na raw ng mga ex-girlfriends niya ang ibinigay na engagement ring kay Ellen Adarna. Sey ni Derek, “There’s tsismis na pinagpasahan daw ‘to ng mga exes ko which is so funny. My mom was going to give me a 7.8 karat diamond […]
-
Dating kasagupa ni Pacman na si Broner kulong sa US
NAKAKULONG ngayon ang dating kasagupa ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao na si dating four-division world boxing champion Adrien Broner matapos itong hatulan ng korte sa kasong contempt. Ayon sa ulat, nabigo si Broner na bayaran ang mahigit $800,000 sa isang babae na kanyang sinaktan sa isang nightclub noong 2018. Sinabi ni Judge […]