Pasko ng pagkakaisa: Tagumpay sa gitna ng mga pagsubok – Speaker Romualdez
- Published on December 27, 2024
- by @peoplesbalita
Ngayong Kapaskuhan, ipinaabot ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang taos-pusong pagbati nito ng Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo.
Ayon sa lider ng Kamara, ang panahong ito ay simbolo ng saya, pasasalamat, at pagmumuni-muni, at isang pagkakataon na maipagdiwang ang pagmamahal at pagkakaisa na nagbibigkis sa bawat isa bilang isang bansa.
Binalikan din ni Speaker Romualdez ang mga hamong pinagdaanan ng bansa, mula sa mapaminsalang bagyo at iba pang kalamidad na sumubok sa katatagan ng mamamayan, hanggang sa mga ingay at hidwaang pulitikal na nagtangkang magdulot ng pagkakawatak-watak, pero nanatiling matatag ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya ng bawat Pilipino.
Dagdag pa ni Speaker Romualdez, hindi naging madali ang taong ito, lalo na para sa mga nawalan at naharap sa matitinding pagsubok dulot ng magkakasunod na kalamidad.
Gayunpaman, ani Speaker Romualdez sa gitna ng kahirapan, nasaksihan din ng mga Pilipino ang mga kabutihan at bayanihan na nagbigay ng inspirasyon at nagpatibay sa buong komunidad.
Sa biyaya ng Diyos at sa hindi matitinag na katatagan ng sambayanang Pilipino, sinabi ni Speaker Romualdez na sama-samang nalampasan ang mga hamon at pagsubok na dumating.
Hinimok ni Speaker Romualdez ang bawat mamamayang Pilipino, na sa pagharap sa Bagong Taon ay bitbitin natin ang pangako ng mas maliwanag na bukas.
Umaasa rin si Speaker Romualdez na maghahatid ang liwanag ng Pasko ng kapayapaan, pagmamahal, at saya sa bawat tahanan at puso. (Daris Jose)
-
GOBYERNO NG AMERIKA, HUMINGI NG DOKUMENTO SA COMELEC
HINILING ng gobyerno ng Amerika sa Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng mga dokumento para sa kaso laban kay dating Comelec Chairman Andy Bautista na iniulat na nahaharap sa money-laundering at bribery charges sa Amerika. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng ANC na nakipag-ugnayan ang US government at hiningi […]
-
DILG, PNP gigisahin sa ambush at patayan
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si House Speaker Martin Romualdez sa sunud-sunod na patayan sa iba’t ibang panig ng bansa kaya nagpasya itong ipatawag ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP). Ayon kay Romualdez, isang emergency hearing ang kanilang isasagawa ngayong Lunes bunsod ng sunud-sunod na ambush sa ilang […]
-
Instant millionaire ang two-time world champion … Cash incentives bumubuhos at Hero’s welcome ng Maynila kay Yulo
NSTANT millionaire si two-time world champion Carlos Edriel Yulo na matagumpay na nasungkit ang gintong medalya sa men’s floor exercise sa Paris Olympics. Nangunguna na sa listahan ng matatanggap nito ang tumataginting na P10 milyon mula sa gobyerno na ngayon ay naging 20 milyon dahil sa dalawang gintong medalya na […]