• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pastillas’ scheme ng BI, nag-ugat sa kasakiman, kurapsyon – Sen. Lacson

NAG-UGAT sa kasakiman at korupsyon at hindi sa kakulangan ng benepisyo ang “pastillas” scheme kung saan dawit ang ilang opisyal mula sa Bureau of Immigration, ayon kay Senador Panfilo.

 

“Suspension or termination of overtime pay and non-inclusion in the salary hike of other government employees should never be a reason for corrupt BI personnel to justify the illegal acts they commit to augment their income. That is crap, and I am not buying it,” ani Lacson.

 

“While the Bureau of Immigration’s reshuffle of its airport personnel may be a step in the right direction, it will have little success if it does not eradicate greed and corruption,” dagdag pa niya.

 

Iniutos na ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang balasahan ng lahat ng mga tauhang naka-assign sa Terminal 1 hanggang 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa gitna ng imbestigasyon sa suhulang nagaganap.

 

Mula sa isang sikat na Pinoy dessert na “pastillas” ang modus dahil nakarolyo umano sa bond paper ang perang natatangap ng mga tauhan ng BI.

 

Sa isang Senate hearing, sinabi ng whistleblower na si Allison Chiong, isang Immigration Officer 1, na nagsimula ang scheme nang tanggalin ang overtime pay para sa mga opisyal ng BI noong 2012.

 

“To cope with the substantial deduction of their salaries, some immigration officers decided to officer VIP services for immigrants who are casino high-rollers. This VIP service involved immigration officers accepting P2,000 for each high rollers in exchange for the latter’s convenient and seamless immigration,” ani Chiong.

 

Makailang-ulit nang sinabi ni Lacson na hindi dapat gumawa ng anumang corrupt practices, anumang hirap ang maka-engkuwentro nila sa kanilang trabaho.

 

“Noong pumasok kami bilang mga kawani ng gobyerno, alam naman namin ang mga limitations, even sacrifices, as well as the benefits that go with being in public service. But even the so-called benefits are governed by rules and regulations, and should not put us above our counterparts in the private sector,” giit pa ng senador.

Other News
  • Quarantine violators mahaharap sa civil, criminal charges- Malakanyang

    PAPATAWAN ng pamahalaan ng kaparusahan ang mga quarantine violators at ipapataw ang “fullest extent of the law.”   Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay matapos na laktawan ng Filipino traveler mula Estados Unidos ang sumailalim sa isolation para lamang makadalo sa isang party.   Ang biyahero ay nakilala sa pangalang Gwyneth Chua na dumating […]

  • Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat – NWRB

    TINIYAK ng  National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa.     Ayon kay NWRB ­Executive Director Sevillo David Jr., bagamat sapat ang suplay ng tubig, kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit nito.     […]

  • BLOCKBUSTER AND ACCLAIMED FILMMAKER CHRISTOPHER NOLAN’S LATEST ATOMIC THRILLER “OPPENHEIMER” IN PH CINEMAS AHEAD OF U.S. RELEASE

    CHRISTOPHER Nolan, known for his acclaimed global blockbusters is about to give the audience an exhilarating experience back in time with his latest film “Oppenheimer” made and meant to be seen only in cinemas.   Nolan’s films, including Tenet, Dunkirk, Interstellar, Inception and The Dark Knight trilogy, have earned more than $5 billion at the […]