• June 23, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patuloy na ibibigay ang pagka-inis ng viewers… RICHARD, ‘di alam kung kailan magtatapos ang top-rating series

TILA wala nang katapusan ang extension ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ dahil nga sa consistent na mataas na ratings nito.

 

 

 

Kaya tanong namin kay Richard Yap, hanggang kailan ba ang show nila?

 

 

 

“As of now wala pa kaming ending e, so hindi pa namin alam, but of course, we want to continue giving you a good program.

 

 

“Of course, hinihintay ng mga tao ma-resolve yung mga problema dun at saka kung mag-e-end up ba kami ni Lynette, so yun, gusto ko abangan nila,” sagot ni Richard. Gumaganap ang aktor bilang Dr. RJ Tanyag sa show na kapareha ni Carmina Villarroel bilang si Lynette Santos, na ina ni Dra. Analyn Santos na ginagampanan naman ni Jillian Ward.

 

 

Dagdag pang sinabi ni Richard, “Well, of course we’re very happy because may trabaho kami, but we also want to continue giving you know, kung naiinis kayo sa show, gusto pa rin naming ibigay yung inis sa inyo,” at muling natawa si Richard, “para mag-continue, hindi naman maputol.”

 

 

Samantala, todo ang suporta ni Richard sa anak niyang si Ashley Sandrine Yap na pinasok ang pagnenegosyo via Sip2Glow, isang uri ng Collagen drink.

 

 

“Of course, it’s natural na suportahan ko siya because we’re family of business people,” pahayag ni Richard, “my dad was a businessman, kaya nga hindi ako naging doktor kasi gusto niyang magnegosyo ako.

 

 

“So all-out support tayo diyan because I think that’s the way to go rather than working for somebody.”

 

 

At siyempre, hahanap pa ba si Ashley ng ibang celebrity endorser, eh ama niya ang isa sa pinakasikat na artista ngayon, lalo pa at top-rating ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’.

 

 

Natawa nga si Richard sa tanong namin kung gaano katagal ang kontrata niya bilang endorser ng Sip2Glow, kung isang taon o panghabambuhay?

 

 

“Medyo may part na din ako sa negosyo, parang pampalubag-loob. Ha!Ha!Ha!“

 

 

So iyon nga, mag-business partner rin sina Richard at Ashley sa Sip2Glow?

 

 

“Parang ano… what do you call that? Industrial, yung bibigay ko lang yung pag-endorse ko, not really because binabayaran ako, but because I believe in the product also,” wika ni Richard.

 

 

Ayon pa kay Ashley, ang Sip2Glow ay gawa sa mga Korean ingredients at sa Korea mismo tinitimpla. Available na ito mabibili online.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)