Patuloy na pamumuhunan sa digital na teknolohiya, cybercops kailangan laban sa fake news at iba pang cybercrimes
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita
DAPAT maglaan ng mas malaking pondo ang pambansang gobyerno upang mapabuti ang kakayahan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas laban sa cybercrime, lalo na sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng cybercrimes tulad ng paggawa at pagpapalaganap ng fake news, ayon kay senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.
Binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangang mamuhunan sa teknolohiya at pagsasanay ng mga cybercops sa Pilipinas, dahil hindi na lamang sa mga tahanan at lansangan nagaganap ang krimen, kundi pati na rin sa cyberspace.
Ibinahagi rin niya ang datos mula sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG): “There was a time na ang biggest crime natin was theft. Historically it was theft, but it was overtaken by cybercrimes.”
Sa kaso ng pagpapalaganap ng fake news, inalala rin ni Abalos ang pagkakataon kung saan kanyang ipinatawag ang Philippine National Police (PNP) upang beripikahin ang isang social media post tungkol sa diumano’y naganap na pagnanakaw sa Quezon City, na nagbigay ng masamang impresyon sa kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Lumabas sa imbestigasyon na ang nasabing pagnanakaw ay nangyari pito (7) taon na ang nakalilipas, ngunit pinalabas ng nag-upload na ito ay bagong insidente.
Dahil dito, binigyang-diin ni Abalos na dapat pagtuunan ng pansin ng pambansang gobyerno hindi lamang ang pagpapabuti ng teknolohiyang magbibigay ng kalamangan sa mga tagapagpatupad ng batas laban sa mga cybercriminal, kundi pati na rin ang pagsasanay ng mga eksperto sa digital na teknolohiya.
“Right now what is important, ibaba hanggang sa level ng bawat city, bawat munisipyo yung technological expertise nito. Ang problema natin ngayon is that yung unit na ito, mga pulis. So, dapat magkaroon ng non-uniformed personnel na i-train ng husto at i-update sa technology. So, if ever talagang dapat pondohan ito para yung response hindi lamang sa Crame, hanggang doon sa pinakababa,” saad ni Abalos sa isang press briefing matapos ang campaign sortie ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas campaign rally sa Cavite.
Bagama’t may mga kasalukuyang hakbang na ginagawa para rito, sinabi ni Abalos na kinakailangan ng isang maaasahang sistema ng suporta sa badyet upang maisakatuparan ito. Ipinangako niyang ito ay magiging isang priyoridad sa Senado, dahil hawak ng Kongreso ang kapangyarihan sa paglalaan ng pondo.
“Actually ginagawa na nila ‘yan inuunti-unti pero ang hirap biglain lahat ito. It should be a continued development program na pwedeng pondohan ng husto,” saad ni Abalos.
“And definitely it is right na ngayon nangyayari that the laws are catching up with technology. ‘Yun ang nangyayari. Sa bilis ng teknolohiya our laws but must catch up with them,” saad ni Abalos. (PAUL JOHN REYES)
-
Drug-free workplace isinusulong sa Navotas
KINAKAILANGAN ng sumailalim ng mga empleyado sa mga business establishment sa Navotas sa taunang drug test kasunod ng pagsasabatas ng lungsod ng isang drug-free workplace ordinance. Ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Navotas ang City Ordinance No. 2023-23 na nag-aatas sa mga piling negosyo sa Navotas na panatilihin ang isang ligtas at malusog […]
-
Nakipag-meeting na sa gagawin sa ABS-CBN: JAMES, tuloy ang pagbabalik at wala nang makapipigil
MULA sa isang kaibigang ABS-CBN insider ay napag-alaman naming on going daw ang negosasyon para sa bagong gagawing proyekto ni James Reid. Ayon pa sa kausap namin nakipag-meeting na raw si James sa ilang TV executives. Dagdag pa niya na may nabuo na raw na bagong proyekto ang ABS-CBN executives at […]
-
Pinas, handang baguhin ang ilang patakaran na may kinalaman sa pagnenegosyo
NAKAHANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang ilang regulasyong ipinatutupad hinggil sa pagnenegosyo para sa kapakanan ng mga mamumuhunan. Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa gitna ng panghihikayat sa mga investors na mamuhunan sa Pilipinas. Tiniyak ng Punong Ehekutibo na handang padaliin ng Pilipinas ang pagpo- proseso sa […]