• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patunay lang na maayos pa rin ang pagsasama: HEART, tinupad ang sinabing makakasama si Sen. CHIZ sa Bagong Taon

“HAPPY 2023” ang nilagay na caption ni Heart Evangelista sa kanyang pinost na New Year photo sa Instagram kunsaan kasama niya ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero at ang dalawang anak nila.

Tinupad nga ang ni Heart ang sinabi nito na magkikita na sila ng kanyang mister sa Bagong Taon. Bagama’t marami ang nagduda, pero nakauwi nga si Heart ng Pilipinas mula Paris para makasama ang kanyang pamilya bago pumasok ang 2023.

Sa isang photo ay makikitang holding hands pa sina Heart at Chiz. Patunay lang na maayos ang pagsasama nila at kung may nagdududa pa rin, hindi na siguro sila problema ng mag-asawa dahil sapat na yung magkasama silang buong pamilya na nagdiwang ng Bagong Taon sa kanilang tahanan.

Nabanggit din ni Heart na magiging mas busy siya ngayong 2023. Mas madadalas pa ang mga biyahe niya. Siguro naman ay may napagkasunduan na sila ni Chiz na magiging abala naman sa pagiging senador nito.

***

BAGO natapos ang 2022, dalawang female icons ang magkasunod na pumanaw.

Una ay ang British fashion designer na si Vivienne Westwood noong December 29 at pangalawa ay ang American broadcast journalist na si Barbara Walters noong December 30.

Pinagluksa ng fashion industry sa buong mundo ang pagpanaw ni Vivienne Westwood sa edad na 81 sa Clapham, South London.

Si Westwood ang nag-revolutionize ng modern punk and new wave fashion sa London noong ’70s and ’80s. Sumikat ang clothing boutique niya sa London called SEX dahil na rin sa partner niya na si Malcom McLaren na manager ng bandang Sex Pistols. Ang naturang punk band ang nagsusuot ng mga creations ni Westwood na umabot hanggang sa Amerika.

Naging advocate din si Westwood ng ilang political causes tulad ng Campaign for Nuclear Disarmament, climate change and civil rights groups.

Noong 1992, ginawaran si Westwood ng OBE (Order of the British Empire) by Queen Elizabeth II dahil sa pagiging legendary figure in British fashion. Noong 2006, binigay sa kanya ang titulong “Dame” dahil sa kanyang contribution and service to the fashion industry sa buong mundo.

Naging iconic ang mga runway fashion shows ni Westwood dahil sa kakaibang designs niya. Ginamit pa sa pelikulang Sex And The City in 2008 ang kanyang dinesign na wedding gown para isuot ni Sarah Jessica Parker sa ilang eksena. Sinuot naman ni Pharrell Williams ang Westwood Buffalo hat sa 56th Annual Grammy Awards in 2014 na galing sa Westwood’s 1982–83 collection.

Isang pioneer naman sa kanyang propesyon bilang broadcast journalist si Barbara Walters na pumanaw sa edad na 93 sa kanyang tahanan sa Manhattan, New York.

Nagsimula bilang writer for CBS News si Walters hanggang sa magkaroon ito ng TV news career sa Today Show ng NBC noong 1961. Nasubukan din ni Walters ang maging weather at features reporter bago pinagkatiwala sa kanya ang maging co-anchor ng ABC Evening News in 1976 at ang solo show niya na 20/20 in 1979.

Nakapanayam ni Walters ang halos lahat ng sikat na celebrities at politicians sa buong mundo. Inaabangan taun-taon ang kanyang year-end Most Fascinating People special sa ABC. Tumakbo ito from 1993 hanggang 2015.

Noong 1997, naging host and producer si Walters ng daytime talkshow na The View. Nag-retire siya sa pag-co-host nito in 2014.

Ilan sa mga biggest achievements ni Walters sa kanyang 65 year career ay ang kanyang three Emmy Awards, a star on the Hollywood Walk of Fame, and Lifetime Achievement Awards from the New York Women’s Agenda and the News and Documentary Emmy Awards. Naging outspoke icon din siya ng pakikipaglaban sa sexism sa kanyang propesyon.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Malakanyang pinangalanan ang bagong PCO, DICT, AFP

    INANUNSYO ng Malakanyang ang bagong appointments sa Presidential Communications Office,  Department of Information and Communications Technology at Armed Forces of the Philippines (AFP).     Ang mga sumusunod na itinalaga sa Presidential Communications Office: ay sina: Katrina Grace Ongoco – Assistant Secretary Nelson De Guzman – Director II Robertzon Ramirez – Director I Habang ang […]

  • The Glory of the Cross

  • KRIS, binuweltahan ang basher na tinawag siyang ‘pangit’ kapag walang makeup pero ‘di nanglait

    BINUWELTAHAN ni Queen of All Media Sinagot Kris Aquino ang isang netizen na tinawag siyang pangit kapag walang makeup na napansin sa ibinahaging video sa social media accounts kung saan gumagawa siya ng mga flower arrangements.     Caption ni Kris sa video, “Kamusta ang Monday nyo? Because I believe ini-effort ang ang maging happy. […]