• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAULO, tinatawanan na lang ang wild comments tulad ng “sa akin ka na lang” at “anakan mo ko”

ISA sa mga artista na aktibo sa kanyang Twitter account si Paulo Avelino.  

 

 

Kung tutuusin nga, parang iba ang nakikitang personality sa kanya sa Twitter at kung titingnan siya na parang seryoso naman sa totoong buhay.

 

 

May pagka-witty at randomly, may mga nirereplayan talaga siyang mga fan na nagtu-tweet.

 

 

Sa naging Instagram Live niya sa writer na si G3 San Diego, sinabi nito na tila may pagka-wild ang mga tagahanga ni Paulo na very passionate din sa kanya.

 

 

Nakikita raw ba ito ng actor.

 

 

    “Of course, I do,” sey naman niya.

 

 

“But I wouldn’t say it’s obsessive or something like that. Kumbaga, well, I’m sure, 70, 80, 90 percent of them, nangti-trip na lang din.

 

 

     “Kumbaga, sumasakay na lang din or they will reply something witty so people will read them.”

 

 

Kailan lang ay nakipag-Twitter party si Paulo sa ilang mga fan at inuman daw. Pero may warning naman ito na only those of legal age lang ang pwede.

 

 

Ang mga comments din lagi kay Paulo, nandiyang, “Sa akin ka na lang,” “Anakan mo ko” at iba pa. Natatawa lang daw si Paulo sa mga ganitong comment dahil alam naman daw niya na hindi naman seryoso.

 

 

“Well, I find it funny,” sey niya. “It’s entertaining.”

 

 

Sa isang banda, aside sa may bago siyang serye sa Kapamilya network, ang Marry You, Marry Me, katambal si Janine Gutierrez, siya raw ‘yung taong sa bahay lang talaga at aminadong into online games din.

 

 

Kaya sa tanong kung ano ang nakikita niyang ginagawa at the end of the year, especially with this still pandemic, tila kung may kasiguraduhan man sa kanya, ito ay ang paglalaro.

 

 

***

 

 

AYAW na raw magalit ni ‘Nay Lolit Solis, pero tinawag niyang kakitiran ng ulo ng ilang nagtatanggol sa alagang si Mark Herras.  

 

 

At natuwa rin naman daw siya na may followers pa rin na handang magtanggol dito.

 

 

Nilinaw nga niya na hindi lang si Mark ang alaga niya na nangutang sa kanya at parang pamilya na ang relasyon niya rito. Inamin din niya na medyo na-guilty rin siya kung bakit nabanggit niya sa kanilang online show na ‘Take It Per Minute’ dahil parang napahiya nga raw niya ang alaga.

 

 

Pero sey niya, ang rason kung bakit nagagalit siya kay Mark, dahil sa maliit na halagang hinihiram nito, which is around 30k e, wala raw ito. Artista pero 30k wala, naikumpara pa sa kanyang kasambahay na may 120k na savings.

 

 

Sey niya, “Galit, iritasyon ang nararamdaman ko.  Now do’n sa nagtatanggol kay Mark, pwede ba, ‘wag kayong over acting na gumagamit pa nang masamang mga salita.

 

 

Sana, mas natulungan niyo pa si Mark kung pinayuhan niyo sana na maging seryoso sa trabaho, makasabay sa mga stars na naungusan na siya sa popularity para mas dumami ang assignments. Kung talagang mahal niyo si Mark Herras, sana advice na maganda ang gawin niyong tulong sa kanya.”    Nanghihinayang din ito na sana raw, binigyang halaga ni Mark ang kinikita at ‘di siya aabot sa ganitong situwasyon. Na ngayon nga ay may dalawang anak na.

 

 

Ang dating sexy star na si RR Enriquez ang kumuda against ‘Nay Lolit at naawa nga raw kay Mark. Kinuwestiyon pa nito ang talent manager na 30k lang naman, ‘di pa pinautang at sinabihang marami naman daw kinita sa actor.

 

 

Sa dalawang Instagram post ni ‘Nay Lolit, ma-realize kaya ng dating sexy star ang pinupunto ng manager ni Mark? Mabait na artista si Mark, pero alam din ng karamihan na may pagkukulang at naging pagpapabaya talaga si Mark pagdating sa kanyang craft, na nakakapanghinayang talaga.

 

 

***

 

 

ENJOY raw si Mavy Legaspi sa unang teleserye niya sa GMA-7, ang I Left My Heart in Sorsogon kunsaan, babalik pa sila for another lockdown.

 

 

Ayon dito, literal na para raw talaga silang naging isang pamilya na hindi raw niya ine-expect.  Natawa naman ang kakambal niya na si Cassy Legaspi sa mabilis na sagot ni Mavy na, “yes, of course,” kung enjoy ba itong ka-trabaho ang nali-link na Kapuso star sa kanya na si Kyline Alcantara.

 

 

Sabi pa ni Mavy, “Siyempre, I’ve known Kyline for the longest time. It’s funny how my Dad worked with Ky in Bilangin Mo Ang Bituin Sa Langit so ako naman and it’s a great experience.

 

 

“Kyline is Kyline no matter what and the greatest part is I got to see her acting side at saka, napaka-professional din.”

 

 

At dahil first teleserye nga ni Mavy ang “I left my Heart…” natutulungan din daw siya ni Kyline.

 

 

    “Gina-guide niya rin ako but of course, not much. Kasi, I have to learn on my own also. Siyempre, ‘yung craft ko, akin lang ‘yun.”

 

 

Napasigaw pa ito na, “woooh!!” nang sabihin na sobrang fun at sobrang ganda rin daw ng mga scenes nila na magkasama since lahat daw yata ng emosyon, naipakita nila.

 

 

     “It’s been very fun,” sabi niya.

 

 

Si Mavy, kasabay ang kanyang kakambal na si Cassy ay muli ngang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center at sa pagpapatuloy nila bilang isang Kapuso.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Mahigit 350K residente sa Amerika, nawalan ng suplay sa kuryente dahil sa winter storm

    PATULOY  na hinahagupit ng “massive winter storm” ang Amerika na na nag-iiwan ng higit sa 350,000 katao ang apektado.     Kasalukuyang naranasan ngayon sa Arkansas at Tennessee; Illinois at Ohio; Kentucky at West Virginia ang makapal na snow, freezing rain at nagye-yelo na paligid dahilan upang nawalan sila ng suplay ng kuryente.     […]

  • Malakanyang, pinabulaanan na may exodus sa mga POGO

    ITINATWA ng Malakanyang na may exodus sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa gitna ng COVID-19 crisis.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malinaw ang requirements ng Department of Finance (DOF) para sa muling pagbabalik ng POGO operations.   Iyon nga lamang aniya ay may ilang POGO firms na bigong magbayad ng kanilang […]

  • KELOT TODAS SA PINAGSELOSANG KATRABAHO NG GF

    DEDO ang isang 20-anyos na kelot matapos saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng kanyang girlfriend sa Valenzuela city.   Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Jerome Vicente, 20, ng Sauyo, Quezon City.   Nadakip naman at nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek na kinilalang si […]