Payo ni VP Sara sa mga aspiranteng mamamahayag: ‘Never assume, don’t lie’
- Published on July 10, 2024
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ni Vice President at outgoing Education Secretary Sara Duterte ang mga estudyante na nais na maging journalists o mamamahayag sa hinaharap na huwag mag-ulat ng kahit na anuman na hindi totoo o fake news.
Sa opening ceremony ng National Schools Press Conference (NSPC) sa Carcar City, Cebu, direktang nanawagan si VP Sara sa mga nagpartisipa na kanyang inilarawan bilang “future award-winning journalists.”
“Never print or post or circulate something that you know is not the truth. Huwag ninyong gawin na sirain ang buhay ng ibang tao, sirain ang imahe ng iba’t ibang organisasyon o mga tao sa alam niyong hindi totoo,” ayon kay VP Sara.
Pinayuhan din niya ang mga aspiring journalists na huwag mag-assume ng kahit na anuman kapag gumagawa na sila ng kanilang mga report.
“Kapag opinyon ninyo ang sinusulat ninyo, never assume anything. Huwag niyong ipaghalo ang assumption at opinyon. Magkaibang bagay ‘yun,” aniya pa rin.
Umaasa rin si VP Sara na ang mga nagpartisipang estudyante na magiging ‘journalists’ sa hinaharap ay mananalo hindi lamang local kundi maging international awards din.
Ang NSPC, naglalayong i-promote ang ‘fair and ethical use’ ng media bilang ‘tenets of responsible journalism’ ay nagsimula nang isagawa, araw ng Lunes, Hulyo 8 hanggang Hulyo 12, 2024.
Hangad ng komperensiya na ipakita sa mga nagsilahok ang ‘understanding of journalism’ sa pamamagitan ng ‘skillful execution’ sa iba’t ibang plataporma gaya ng print, broadcast, at online; at kilalanin ang papel ng isang mamamahayag sa pagtataguyod para sa ‘social consciousness at environmental awareness.’ (Daris Jose)
-
MPBL, PSL, PBL propesyonal – Mitra
DAPAT nang magpasailalim sa Games and Amusements Board (GAB) ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL). Gayundin kumuha ng playing professional license sa nabanggit na ahensiya dahil idineklara na ang tatlong liga na mga professional league sa joint resolution na nilas nitong Huwebes nang namamahala sa professional […]
-
RADSON, MATT at RAPHAEL, napiling gumanap na Mark, Big Bert at Little Jon sa ‘Voltes V: Legacy’
NOONG Lunes nang gabi sa 24 Oras, ni-reveal na ng GMA Network ang first 3 members ng Voltes V: Legacy. Unang pinakilala ang gaganap bilang Mark Gordon na si Radson Flores, na sumali sa reality show na Starstruck noong 2019. Hindi siya nakapasok sa Final 14 dahil sa twist na “Second Chance Challenge” nakabalik siya […]
-
VIP tickets ng EHeads concert, almost sold-out na: ALDEN, nire-request na ipag-produce din ang iba pang banda
MUKHANG na-inspire si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa role na ginagampanan niya sa high-rating teleserye ng GMA Network, ang “Start-Up Philippines.” Si Alden as the Good Boy, Tristan Hernandez ay ulila pero may pangarap na magsikap para umasenso. Natupad niya iyon at isa na nga siyang CEO sa kanyang company, ang Sandbox. […]