PBA 2nd conference tuloy!
- Published on November 4, 2021
- by @peoplesbalita
Tuluy na tuloy na ang pagdaraos ng second conference ng Philippine Basetball Association (PBA) Season 46 kung saan masisilayan ang matitikas na foreign imports.
Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na inaprubahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang special permit para sa mga foreign imports na darating sa bansa.
Nauna nang nakipagpulong si Marcial kay DFA undersecretary Brigido Dulay para talakayin ang tungkol sa pagpasok ng mga imports.
Nakikipag-ugnayan na rin ang liga sa Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang nagbibigay ng pahintulot sa lahat ng usapin patungkol sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Nagbigay na rin ng endorsement ang Games and Amusements Board (GAB) sa IATF para alalayan ang PBA.
Target sana ng PBA na masimulan ang reinforced conference sa ikalawang linggo ng Nobyembre.
Pinagpaplanuhan pa ng PBA ang magiging setup ng second conference.
Kabilang na rito ang planong pagdaraos ng torneo sa National Capital Region lalo pa’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa partikular sa rehiyon.
Nakababa na sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula sa dating mas mahigpit na Alert Level 4 at Enhanced Community Quarantine.
Wala pang linaw kung semi-bubble, full bubble o home-venue-home ang gagamitin sa edisyong ito.
Kani-kanya na ang iba’t ibang teams sa pagligaw ng mga napupusuan nitong mga imports.
Ilang teams ang nakapagkasa na ng kontrata habang ilan naman ang patuloy na kumakausap ng magiging reinforcement sa second conference.
Sariwa pa ang PBA sa matagumpay na pagdaraos ng PBA Season 46 Philippine Cup na pinagharian ng Talk N Text Tropang Giga sa Bacolor, Pampanga.
Puntirya ng Tropang Giga na masundan ang matikas na ratsada nito sa second conference para maitarak ang back-to-back crown sa liga.
-
Mister isinelda sa pangmomolestiya sa live-in partner ng anak
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang contractor matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa live-in partner ng kanyang anak sa Navotas City, ng madaling araw. Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilala lang sa alyas “Rudy”, 44-anyos, contractor at residente ng Brgy. NBBS Proper. Sa report ni PCpl Myra […]
-
Ads June 14, 2023
-
VILMA, may kakaiba na namang pinakita sa ‘Uninvited’ pati na sina AGA at NADINE
SHOCKING and daring ang isa sa nangungunang MMFF entry na “Uninvited l. “ Sa 55th bday party ng mayaman at naimpluwensiyang si Guilly Vega portrayed by Aga Muhlach ay naganap ang lahat. Pagpasok pa lang ay napakahigpit ng security at napaligiran pa ito nang mga mamamatay tao niyang mga takot sa kanya. Kasama siyempre ni […]