• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA balik na sa Pebrero 11

KASADO na ang pagbabalik-aksiyon ng Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Pebrero 11 na posibleng ganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

 

 

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang magandang balita kung saan nakikipag-usap na ito sa pamunuan ng Big Dome at sa local government unit ng Quezon City para sa resumption ng liga.

 

 

“Siguro sa Araneta Coliseum ang return but we’re stil finalizing ng venue. We’re returning on February 11,” ani Marcial.

 

 

Makakapagsimula na rin ng ensayo ang mga PBA teams simula bukas (Pebrero 1). Binigyan ng liga ng 10-araw ang lahat ng teams para makapag-ensayo bago muling simulan ang liga.

 

 

Nagpasalamat si Marcial sa Games and Amusements Board (GAB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagtulong nito sa pakikipagpulong sa anim na LGUs na nakasasakop sa training venues ng mga PBA teams.

 

 

Ito ay ang Quezon City, Parañaque, Pasay, Pasig, Mandaluyong at San Juan. “We had six LGUs, which have jurisdiction of where teams hold their practices, but we’ve already talked to them, thanks in particular to MMDA and GAB for helping us,” dagdag ni Marcial.

 

 

Magandang balita pa ang bumungad sa PBA dahil isasailalim na sa mas magaan na Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) dahilan para muling magbukas ang usapin sa live audience.

 

 

Matatandaang natigil ang liga matapos ibalik sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) na pumalo sa halos 40,000 kada araw.

 

 

Subalit unti-unti nang humuhupa ang kaso sa NCR dahilan para muling ibaba ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang restriksiyon.

Other News
  • Alagang aso tinuturing na angels: Pananaw ni HEART, ‘always be grateful in life’

    MAHIGIT dalawampung taon na sa industriya ng showbusiness si Heart Evangelista at wala siyang plano na tumigil sa kanyang ginagawa sa ngayon. “I love it, I love being on the go I think I’m one of the lucky ones who truly enjoy what I do. And I’m also very grateful.   “I’ve been working for […]

  • Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na

    Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies.   Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million.   Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy.   […]

  • Utang lolobo sa panukalang Maharlika Investment Fund – Pimentel

    NANINIWALA  si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na magdulot lamang ng maraming utang sa bansa ang legasiya na proposed Maharlika Investment Fund.     Ginawa ni Pimentel ang pahayag taliwas sa pahayag ni National Treasurer Rosalia De Leon na ang kontrobersyal na pondo ay makakabawas sa utang ng bansa.     Aniya, sa […]