• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA dinadagsa na ulit

UNTI-UNTI  nang dumaragsa ang mga fans sa venues ng PBA Season 46 Governors’ Cup.

 

 

Sa huling laro ng liga sa Smart Araneta Coliseum, umabot sa 6,502 ang nanood sa laban ng Barangay Ginebra at Rain or Shine noong Linggo.

 

 

Ito ang pinakamara­ming bilang ng fans na nanood ng live sapul nang magsimula ang pandemya.

 

 

Ngayong nasa Alert Le­vel 1 na ang buong National Capital Region, inihayag ng liga na nasa 100 percent capacity ang pinapayagan nitong makapanood ng live sa mga venues.

 

 

Kaya naman sinamantala ng mga fans na mapanood ng live ang kani-kanyang mga iniidolong players.

 

 

Huling nakatikim ng malaking bilang ng fans ang PBA noon pang Marso 8, 2020 sa laban ng San Miguel Beer at Magnolia sa Araneta kung saan umabot sa mahigit 11,000 ang mga nanood.

 

 

Pero dahil sa pan­demya, isinara sa fans ang sumunod na kumperensiya — ang Philippine Cup na isinagawa sa isang full bubble setup sa Clark, Pampanga.

 

 

Nakabalik lamang ang live audience noong nakaraang taon nang mag­luwag ang restriction sa Metro Manila.

 

 

Umaasa ang pamunuan ng PBA na magtutuluy-tuloy na ang lahat lalo pa’t gumaganda na ang sitwasyon sa Pilipinas.

Other News
  • Hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa

    AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan.   Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon.   Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque […]

  • Ads October 12, 2022

  • DOH pinaghahanda sa lalo pang maluwang na Alert Level 2

    Pinaghahanda na ng Department of Health ang lahat ng local government units (LGUs) sa Pilipinas na maghanda sa dahan-dahang pagluluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions kasunod ng lalong pagbaba ng mga kaso nationwide.     Ang nabanggit ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na posibleng ilagay […]