PBA gusto nang lumaraga sa June 15
- Published on May 11, 2021
- by @peoplesbalita
Target ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa Hunyo 15.
Ito ang inihayag ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua matapos makakuha ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IAFT) para sa training at scrimmages ng 12-koponan.
“We are thinking of June 15,” ani Chua sa programang The Chasedown.
Kailangan lang aniyang maging maayos ang pagdaraos ng training at scrimmages ng mga PBA teams sa kanya-kanyang training venues upang magtuluy-tuloy na ito hanggang sa masimulan ang season.
Isa sa mga iniiwasan ng PBA ang pagkakaroon ng aberya sa training at scrimmages dahil ito ang posibleng maging dahilan para maantala ang pagsisimula ng liga.
Nais ng PBA na patunayan na maayos na naisasagawa ang ensayo ng mga teams para tuluyan nang payagan ng IATF ang pagsisimula ng season.
“We have to prove to them (IATF) na nag-eensayo kami, walang nahawa, wala lahat, para mapayagan na tayo. Nasa sa amin ‘yun. We have to prove to them na kaya namin ‘yung protocols, na maingat na maingat kami para kami makapaglaro,” ani Chua.
Kaya naman magiging mahigpit ang PBA sa pagpapatupad ng safety and health protocols sa lahat ng training venue ng bawat teams para masigurong ligtas ang lahat.
Una na rito ang regular na swab testing at matinding pagbabantay sa bawat ensayo dahil mabigat na parusa ang nakaabang sa oras na may lumabag sa patakaran.
“Wag silang maging kampante. Dapat lalo kaming maging strict. If we want to stay and play the game, kailangan talaga sundin natin ‘yung tama. Ituring nila ang liga na ito na pamilya nila. Ituring nila na tayo nabigyan ng tsansa, ‘wag na natin pakawalan,” ani Chua na umaasang matutuloy na ang pagbubukas ng liga sa kanilang target date upang maabot ang planong dalawang kumperensiya sa season na ito.
Kung makukumpleto na ang lahat ng requirements, makapagsisimula na ang training at scrimmages ng mga teams sa Mayo 18 o sa mas maaga pa.
-
Alert level system para sa Covid-19 response, ipatutupad na sa buong bansa
IPATUTUPAD na sa buong bansa ang alert level system para sa Covid-19 response. Ito’y matapos tintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 151 araw ng Nobyembre 11. Malinaw na nakasaad sa EO na obligasyon ng estado na protektahan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan nito. Iyon ang […]
-
Pagtatayo ng specialty centers sa regional hospitals sa buong bansa, aprubado na ni PBBM
GANAP ng batas ang paglalagay ng specialty centers sa regional hospitals sa buong bansa, kaya obligado na ang Department of Health na maglagay ng specialty centers sa mga ospital nito sa bawat rehiyon sa buong bansa. Ito’y matapos lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11959 o “Regional Specialty Centers Act.” Layunin […]
-
VP Sara, tumangging manumpa sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability
DUMATING sa unang pagdinig kahapon ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa naging paggamit ng pondo ng opisina ni Vice President Sara Duterte. Bukod sa Office of the Vice President (OVP), iniimbestigahan din ng komite kung papaano ginamit ng Department of Education ang pondo nito nang kalihim pa ng departamento si […]