PBA players, coaches officials nag-swab test na!
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
Sumalang na sa swab test kahapon ang lahat ng players, coaches, staff at officials para sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Pampanga.
Bahagi ng health protocols na ipinatutupad ng liga ang swab test bilang tugon sa nakasaad sa Join Administrative Order (JAO) ng PSC, GAB at DOH.
Tuwing Lunes idaraos ang regular swab testing sa lahat ng involve sa Philippine Cup.
Inaasahang ilalabas na rin ang schedule ng liga para sa linggong ito.
Nakabase ang schedule sa magiging resulta ng test.
Sa oras na may magpositibo sa isang miyembro ng team, posibleng hindi muna isama ang naturang team sa weekly schedule hangga’t sumasailalim sa confirmatory test o quarantine.
Mas mahigpit ang PBA sa pagkakataong ito.
Ang mga maglalaro sa unang araw ng restart ay kailangan ding sumailalim sa panibagong antigen test sa umaga ng kanilang play date.
Bagong patakaran ito ng PBA para masiguro na ligtas ang lahat ng mga players lalo pa’t mabilis na kumakalat ang COVID-19 sa ngayon sa pamamagitan ng contact lamang.
Kaya naman magiging requirement na ang antigen bago ang laro dahil mas magiging mabilis ang hawaan sa isang contact sport tulad ng basketball sakaling may makalusot na positibo sa COVID-19.
Gaganapin ang mga laro sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga.
-
SHARON, looking forward to growing old with Sen. KIKO, pero ayaw niyang magmukhang matanda
BIRTHDAY ni Senator Kiko Pangilinan yesterday at gusto naming i-share sa inyo ang IG greeting ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang loving husband. “Happy, happy birthday to one of best fathers in the world, my Sutart, playmate, “neybor,” friend, no. 1 fan and supporter, partner, no.1 fan also of my cooking, my faithful, loving, […]
-
Importasyon ng domestic at wild birds at poultry products mula Austria at Japan: temporary ban sa Pinas
TEMPORARY BAN sa Pilipinas ang importasyon ng ‘domestic and wild birds at poultry products’ mula Austria at Japan dahil sa napaulat na outbreaks ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa kani-kanilang bansa. Sa isang kalatas, nagpalabas si Department of Agriculture (DA)Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng hiwalay na memorandum orders —MO No. 49 (Austria) at […]
-
Pinost din ang isang short video ni Baby Aura… ALICE, ‘di nagpahuli sa mga celebrities na nagpo-pose ng kanilang summer-ready beach bodies
HINDI nagpahuli si Alice Dixson sa mga celebrities na nagpo-pose ng kanilang summer-ready beach bodies. Sa kanyang Instagram, pinost ng former Bb. Pilipinas-International 1986 na suot niya bikini bottom at loose shirt kunsaan kita pa rin ang well-toned body niya sa edad na 52. Caption pa niya: “50 shades of tan. […]