PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup.
Masaya si Alapag sa impresibong ipinamalas ng bagitong Gilas squad sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan winalis nito ang lahat ng tatlong laro kabilang ang dalawang panalo kontra sa South Korea,
“You look at these first three games and it’s really, really impressive for this team. This is really the next generation for me,” ani Alapag sa programang Smart Sports’ Hoops Life.
Subalit ibang usapan na ang World Cup na isang mataas na lebel ng kumpetisyon.
Personal na itong naranasan ni Alapag dahil bahagi ito ng Gilas Pilipinas na nagpasiklab noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Malaki ang maitutulong ng PBA players partikular na sa leadership para lubos pang magabayan ang mga bagitong miyembro ng Gilas squad.
Ngunit ipinauubaya pa rin ni Alapag ang pagdedesisyon sa coaching staff na pinangungunahan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin na siyang kasalukuyang head coach ng koponan.
-
OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG
PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30. Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung […]
-
Paul Gutierrez, kinumpirma na tapos na ang termino bilang executive director ng PTFoMS
KINUMPIRMA ni Paul Gutierrez na napaso’ o natapos na ang kanyang termino bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS). Sa isang kalatas, pinasalamatan ni Gutierrez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa pagkakataon na ibinigay sa kanya para makapagsilbi sa ilalim ng kanyang administrasyon kahit sa maikling panahon lamang […]
-
IATF, pinag-uusapan na ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses ngayong buwan
MALAKI ang posibilidad na magbalik na ang operasyon ng mga provincial buses bago matapos ang buwang kasalukuyan. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy na ang isinasagawang pagtalakay ng IATF upang masigurong maipatutupad ng maayos ang mga health protocols sa pagbabalik ng operasyon ng mga provincial buses. Kaugnay nito, suportado ng Department of […]