PBA prayoridad ang kaligtasan ng lahat
- Published on January 12, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG balak ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na isugal ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials matuloy lamang ang PBA Season 46 Governors’ Cup.
Naghihinayang si Marcial dahil maganda na sana ang takbo ng liga noong nakaraang taon.
Maliban sa tuluy-tuloy na mga laro, nabigyan na ng pagkakataon ang mga fans na makapanood ng live sa mga playing venues.
Subalit naudlot ang lahat matapos lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Dahil dito, ibinalik sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) gayundin ang ilang kalapit na probinsiya.
“Sayang nandun na yung momentum, e. Dire-diretso na sana tayo,” ani Marcial sa programang The Chasedown.
Wala pang pinal na desisyon kung kailan itutuloy ang liga.
“Hindi ako manghihinayang kung makakaligtas naman ang lahat. Para sa atin naman ito. Hindi ko isusugal yung safety ng mga tao para lang makalaro. Kaya humingi ako ng pasensiya sa team owners at sa governors na sana maintindihin nila,” ani Marcial.
Sa ngayon, pinaplano pa ng PBA kung ano ang magiging susunod na aksyon nito.
Nakaantabay pa ang lahat sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kung saan umabot na sa mahigit 33,000 ang mga tinatamaan ng COVID-19 kada araw.
Pinag-aaralan din ng liga kung babalik ito sa full bubble o semi bubble para ituloy ang season.
-
Ads June 22, 2024
-
BILLY, umaming ‘walang tulugan’ sa pag-aalaga sa baby nila ni COLEEN
SA rami ng shows na naging host si Billy Crawford ay malaki raw ang pagkakaiba nitong The Masked Singer dahil pawang performers ang contes- tants na hindi niya kilala, kaya pati siya ay makikihula kung sinu-sino sila at iyon ang magpapa-excite sa kanya. Tsika ni Billy sa ginanap na virtual mediacon ng Philippine adaptation […]
-
ORIGINAL ANIME SERIES RESIDENT EVIL: INFINITE DARKNESS, COMING TO NETFLIX IN 2021
KNOWN as the gold standard of survival horror games with over 100 million units from the game series shipped worldwide, “Resident Evil” has now been transformed into a Netflix original CG anime series. This series is scheduled for a global launch in 2021 exclusively on Netflix. Three years after 2017’s CG film “Resident Evil: […]