PBA tatapusin ang elims sa Pampanga
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
Target ng PBA management na tapusin na muna ang eliminasyon ng PBA Season 46 Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga bago ibalik ang mga laro sa NCR.
Inilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula sa Setyembre 8 hanggang 30.
Kaya naman posibleng bumalik na sa NCR ang liga sa oras na maging maayos na ang lahat.
“Kapag okay na sa NCR babalik tayo doon, that’s the original plan,” ani PBA commissioner Willie Marcial.
Nagsimula ang liga sa NCR sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Subalit napilitan itong huminto nang ilagay ang rehiyon sa mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) matapos lumobo ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).
Inilipat ito sa Bacolor, Pampanga.
Sa kasalukuyang protocols ng liga, sumasailalim ang lahat ng players, coaches, officials at staff sa RT-PCR test tuwing Lunes bago maglabas ng weekly schedule tuwing Martes.
Nagkakaroon din ng antigen test tuwing umaga kada playdates.
Wala pang anunsiyo ang PBA kung ito rin ang parehong ipatutupad ng liga sa oras na bumalik ito sa NCR.
-
Ads August 11, 2021
-
Wala pang community transmission ng ‘mas nakakahawang’ COVID-19 variants sa PH
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa ring ebidensya ng community transmission o pagkalat sa komunidad ng mga mas nakakahawang variants ng COVID-19 virus na naitala sa bansa. “Wala tayong confirmed community transmission as of yet. We are still further studying the cases,” ayon kay Health Usec. Maria Vergeire sa isang […]
-
EJ Obiena nakasungkit uli ng silver medal sa Germany
Sinimulan ni Pinoy pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang 2023 indoor season na may silver medal finish sa Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany. Ang Olympic pole vaulter ay nakakuha ng 5.77 meters na nagtapos bilang isang runner-up habang nanguna ang American na si Sam Kendricks sa torneo na may 5.82m sa isang pagtatangka […]