• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA training simula na!

Umarangkada na ang pagbabalik-ensayo ng PBA teams bilang paghahanda sa PBA Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Hunyo 15.

 

 

Nanguna ang Meralco Bolts sa mga maagang nakapagsimula matapos makumpleto ang lahat ng requirements kabilang na ang importanteng swab test.

 

 

Tumulak kahapon ang buong delegasyon ng Bolts sa Laoag, Ilocos Norte para simulan ang 10-day training camp nito.

 

 

Nagsasanay ang Meralco sa Laoag Centennial Arena na madalas na ginagamit ng PBA sa mga all-star activities nito.

 

 

Magsisilbing tahanan ng delegasyon ang pamosong Fort Ilocandia Resort and Hotel.

 

 

Nagsasanay ang Meralco sa Laoag Centennial Arena na madalas na ginagamit ng PBA sa mga all-star activities nito.

 

 

Magsisilbing tahanan ng delegasyon ang pamosong Fort Ilocandia Resort and Hotel.

 

 

“Our goal is to lead the way and show how sports and safety can go hand in hand. Back to basketball together, leading the way together, staying safe together,” nakapost sa social media account ng Meralco Bolts.

 

 

Matapos ang 10-day camp sa Laoag, target ng Bolts na lumipat sa Meralco gym sa Ortigas,

 

 

Kaya naman sumulat na ang Meralco management sa lokal na pamahalaan ng Pasig para pahintulutan ang training nito sa naturang venue.

 

 

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makapag-ensayo ang PBA teams sa GCQ at MGCQ areas.

 

 

Ibinalik na sa GCQ ang NCR plus bubble kaya’t maaari nang makapag-ensayo ang mga PBA teams dito.

 

 

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na kailangan lamang ng approval ng local government unit kasama ang pagsunod sa JAO ng GAB, PSC at DOH para masimulan ang ensayo.

 

 

Sa kabilang banda, napaulat na nakakuha na ng clearance ang Rain or Shine Elasto Painters at NorthPort Batang Pier sa local government units (LGU) ng Mandaluyong at Cainta.

 

 

Sasalang sa ensayo ang Elasto Painters sa Reyes Gym sa Mandaluyong habang sa King’s Landing Gym sa Cainta naman ang Batang Pier.

 

 

Karamihan sa mga PBA teams ay tutuloy sa nauna nang planong trai­ning camp sa Batangas City kung saan idaraos ang closed-circuit training sa Batangas City Coliseum, Batangas State University Gym at Lyceum of the Phi­lippines University Batangas Gym.

Other News
  • Malaki kasi ang renta at ‘di na kakayanin: JOHN, umalis na sa bahay nila ni NORA sa QC

    BUMALIK na sa Angeles, Pampanga si John Rendez matapos umalis kamakailan sa bahay nila ni Nora Aunor sa Xavierville Heights, QC. Malaki kasi ang renta at malaking house ito at hindi kakayanin ni John ang upa rito lalo’t wala siyang trabaho at wala na rin si Ate Guy. Sabi ay mga gamit lang ni John […]

  • Yulo wala pa ring foreign coach

    SA NGAYON mananatiling local coach ang hahawak sa training ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo para paghandaan ang kanyang mga susunod na laban.     Ito ang kinumpirma ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion kung saan si coach Aldrin Castaneda pa rin ang tututok sa pagsasanay ni Yulo.   […]

  • 4 drug personalities timbog sa Valenzuela buy-bust

    Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na  droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-busy operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 1:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang […]