• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA tumutulong sa UAAP, NCAA

MATAPOS ang ilang kumperensiya sa bubble, kabisado na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pasikot-sikot sa isang bubble setup.

 

 

Kaya naman tumutulong ang PBA sa University of the Philippines Athletic Association (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa pagbuo ng bubble upang matuloy ang planong pagbabalik-aksyon ng dalawang pamosong collegiate leagues sa bansa.

 

 

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, ibinabahagi ng liga ang mga dapat gawin sa pagdaraos ng isang tournament sa isang bubble setup.

 

 

Nakikipagpulong ang PBA sa mga kinatawan ng UAAP at NCAA upang tulungan ang mga ito para ma­ging matagumpay ang kani-kanyang liga.

 

 

“Pinag-usapan namin kung ano ang dapat gawin,” ani Marcial.

 

 

Nakipag-usap na si Marcial sa mga kinatawan ng NCAA gaya nina College of Saint Benilde representatives Stephen Fernandez at Dax Castellano.

 

 

Tapos na rin ang meeting ng PBA kina UAAP President Nonong Calanog ng La Salle at Executive Director Atty. Rebo Saguisag.

 

 

Target ng UAAP at NCAA na masimulan ang season sa Marso. Subalit base sa patakaran ng Commission on Higher Education at Inter-Agency Task Force, kailangang idaos ang torneo sa isang bubble setup lalo pa’t mataas pa rin ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

 

 

Pangunahing binabantayan ang safety and health protocols na ipatutupad sa oras na magsimula na ang liga.

Other News
  • PDu30, labis ang pasasalamat sa tulong ng Japan sa economic dev’t ng Pinas

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa Japanese government para sa pagsuporta nito sa economic development ng Pilipinas, partikular na ang pagsisikap na makumpleto ang  kauna-unahang Metro Manila Subway Project (MMSP) sa bansa.     “May I express my gratitude again to the Japanese government for partnering with the Philippines to make […]

  • Taxis humihingi ng P30 na flagdown

    ANG MGA samahan ng taxi operators at drivers sa bansa ay humihingi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng konsiderasyon sa kanilang petisyon na itaas ang flagdown ng taxi kung saan ito ay una nang binasura ng ahensiya.       Humihingi sila ng P30 flagdown rate mula sa LTFRB na hindi naman […]

  • Clarkson hinirang na nba sixth man of the year

    Ipinagbunyi ng sambayanan ang pagkakahirang kay Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz bilang NBA Sixth Man of the Year kahapon.     Tinalo ng 28-anyos na si Clarkson, ang lolang si Marcelina Tullao Kingsolver ay tubong Bacolor, Pampanga, para sa nasabing individual award ang kanyang Jazz teammate na si Joe Ingles at si New […]