• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, aprubado ang national innovation agenda

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr., chairman  National Innovation Council (NIC), ang  National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) 2023-2032.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na NIASD 2023-2032 ang babalangkas sa plano ng bansa para pagbutihin ang innovation governance at  ang pagtatatag ng  dynamic innovation ecosystem.

 

 

Ang Malakanyang, sa isinagawang  5th NIC meeting,  ipinresenta ng National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon ang “rationale at features” ng NIASD.

 

 

“The future, even the near future, is expected to be volatile, uncertain, complex, and ambiguous. Developing a dynamic innovation ecosystem is critical to achieving our AmBisyon Natin 2040 of a matatag, maginhawa at panatag na buhay for all Filipinos,” ayon kay Edillon.

 

 

“The NIASD characterizes a dynamic innovation ecosystem as one that fosters a pervasive culture of innovation driven by market demands,” ayon sa PCO.

 

 

Pinabilis din ng estratehiya ang kolaborasyon sa pamamagitan ng “active, reliable, at useful platforms,” at nagbigay ng  “innovation actors with the necessary facilities and resources to transform their ideas into innovative products and services.”

 

 

Idagdag pa rito,  kinonekta ang  innovator-entrepreneur sa potential investors at funders.

 

 

Para naman kay  NEDA Secretary Arsenio Balisacan, vice-chairman ng  NIC, ang pagtatatag ng   dynamic innovation ecosystem ay isa sa anim na cross-cutting strategies sa transformation agenda na kinilala ng  Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 para makamit ang “prosperous, inclusive, at resilient society.”

 

 

“Chapter 8 of the PDP elaborates on this strategy by situating it within the continuum of research and development, innovation, technology adoption, then commercialization” ayon kay Balisacan.

 

 

Ang  NIC ay may 25-member policy advisory body na binubuo ng 16 department secretaries at 7 executive members mula sa pribadong sektor. (Daris Jose)

Other News
  • Service contracting ng PUVs tinaasan ang per kilometer incentive

    Tinaasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang per kilometer incentive na binibigay sa mga public utility drivers (PUVs) sa ilalim ng programang service contracting ng pamahalaan.     Sa isang LTFRB memorandum circular ng nilabas, ang per kilometer incentive para sa traditional at modernized jeepneys kasama ang public utility buses ay bibigyan […]

  • SID, na-experience nang nakipag-lovemaking sa loob ng kotse tulad ng ginawa nila ni CINDY sa movie

    PALABAN talaga ang premyadong aktor na si Sid Lucero, hindi lang sa aktingan pati na rin sa hubaran.     Sa trailer pa lang ng newest sexy-suspense thriller ng Vivamax na Reroute kung saan kasama niya sina Cindy Miranda, Nathalie Hart at ang Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla, pinakita na ang […]

  • HR Defenders bill, mapanganib- NTF-ELCAC

    MAPANGANIB at maaaring labag sa Saligang Batas ang Human Rights Defenders bill.     Bahagi ito ng kalatas na ipinalabas ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang batas sa pangatlo at huling pagbasa noong nakaraang Lunes, na may 200 affirmative votes, zero negative, at […]