• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, committed na tiyakin ang Energy Security ng Pinas, tinintahan ang Malampaya Service Contract 38

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kanyang administrasyon ay  committed na tiyakin ang  energy security sa bansa.

 

 

Kasabay nito ay ang paglagda, araw ng Lunes sa Service Contract (SC) 38 renewal agreement para sa  Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project.

 

 

“As we renew Service Contract (SC) 38, we optimistically look forward to the continued production and utilization of the remaining reserves of the Malampaya gas field, as well as further exploration and development of its untapped potential,” ayon sa Pangulong Marcos sa  signing ceremony sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“As I sign this SC 38 renewal agreement, we also lay stress on the Administration’s commitment to actively pursue the exploration, development, and utilization of the country’s indigenous energy resources, and to optimize our energy mix,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Layon ng Malampaya Project  na bawasan ang  “country’s dependence” sa oil imports at siguraduhin ang mas  stable na supply ng malinis na enerhiya mula sa isang indigenous source.

 

 

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo sa kakayahan at kagalingan ng  SC38 Consortium sa paghawak ng proyekto.

 

 

Tinawagan din nito ng pansin ang Department of Energy (DOE) na pangasiwaan ang implementasyon ng proyekto at tiyakin na mahigpit na mino-monitor at tiyakin na ang layunin ng Consortium ay alinsunod sa national interests ng bansa.

 

 

Kinokonsidera  ang proyekto bilang mahalagang pamamaraan ng pamahalaan tungo sa energy security, sinabi ng Pangulo na consistent ito sa Saligang Batas at ang State policy na apurahin ang pagtuklas at produksyon ng  indigenous petroleum ng bansa.

 

 

Sa kabilang dako, welcome naman kay DOE Secretary Raphael Lotilla ang renewal ng SC 38,  ang Consortium aniya ay  “meticulously evaluated” ng departamento.

 

 

“The assessment encompassed legal, technical, and financial capabilities, and confirmed the Consortium’s capacity to sustain the production operations and meet its obligations under the Renewal Agreement.  The DoE recommended the renewal of the service contract, anchored on the commitment of the Consortium to actively explore and evaluate additional gas resources,” ani Lotilla.

 

 

“Through the stringent due diligence observed, the government aims to uphold responsible and sustainable energy practices while effectively managing the valuable resource that is the Malampaya gas field,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang polisiya ay unang inilatag noong  1972 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 87 na ipinalabas ng ama ni Pangulong Marcos Jr. na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

 

 

Mula sa pagkakadiskubre sa gas field  may tatlong dekada na ang nakalilipas at  Project’s commissioning noong 2001, ang Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project  ay “has been a boon to the Philippines providing 20 percent of Luzon’s energy requirement.”

 

 

Sa pamamagitan ng proyekto, kumita ang pamahalaan ng P374 bilyong piso.

 

 

Taong 2022 lamang, nakapagbigay ang proyekto ng P26 bilyong piso na government revenues.

 

 

“Because of the contract renewal, the government will continue to generate revenues from the Project through a favorable sharing scheme,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang katuwang ng administrasyon sa private sector para sa patuloy na pagtitiwala sa ginagawang paglutas ng gobyerno.

 

 

“Through our strategic partnerships, we will remain on course towards the attainment of our goals of total electrification of our country, and of energy adequacy, reliability, and affordability, all for the betterment of the lives of the ordinary Filipinos,” anito.

 

 

“The Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project utilizes state-of-the-technology to extract natural gas and condensate from the depths of the Palawan basin. It will then process the gas in the nearby shallow water production platform and transport it across three provinces through a 504-kilometer underwater pipeline,” ayon sa ulat.

 

 

“An onshore gas plant in Batangas receives the gas for further processing before it is sent to five power-plant customers for power generation,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa event ay sina Speaker Martin Romualdez, Senator Raffy Tulfo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Presidential Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, Defense Officer-in-Charge Undersecretary Carlito Galvez Jr.,  Prime Infra Chairman Enrique Razon, at Philippine National Oil Company – Exploration Corporation President at CEO Franz Josef George Alvarez.

Other News
  • Ads January 18, 2020

  • VILLAR NAGBITIW NA SA DPWH

    MAGBIBITIW na ngayong linggong ito sa kanyang posisyon bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Sec. Mark Villar.     Ito ang inanunsyo kahapon ng kalihim ngunit hindi nan binanggit ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.     “This is my last day after 5 years. I have officially filed my resignation […]

  • Pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal, gugulong na sa Kamara

    TATALAKAYIN na ng House committee on legislative franchise ang mga panukalang batas pagdating sa pagbabago ng prangkisa ng ABS-CBN Corp., sa susunod na Martes ganap na ala-una ng hapon sa Belmonte Hall ng South Wing Annex.   Kasama sa mga tatalakayin ng panel sa ika-10 ng Marso ay ang 11 nakatenggang panukala pagdating sa renewal […]