• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ginarantiya ang trabaho para sa lahat

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na lahat ay magkakaroon ng trabaho sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas” na kanyang pinro-promote.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos niyang i-welcome ang ulat na ang labor force participation ng bansa ay umakyat sa 66.6% noong Disyembre 2023, habang ang employment rate ay tumaas din ng 96.9%.

 

 

Sa post ng Pangulo sa kanyang X account, sa Bagong Pilipinas aniya, ang pag-unlad at kasaganaan ay dapat lamang na ihatid sa bawat tahanan, sapagkat tiyak aniya na may magandang trabahong naghihintay para sa bawat Pilipino.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na masayang siyang makita ang mahalagang progreso at katatagan ng labor market ng bansa.

 

 

Pinuri naman nito ang pagbaba sa 3.1% ng unemployment rate habang ang underemployment rate ay nabawasan ng 11.9%.

 

 

Ayon naman sa Pangulo, ang mga kaganapang ito ay nagpapahiwatig ng improvement sa “job quality at stability” at ngayon ay maraming oportunidad para sa mga manggagawa.

 

 

“This positive momentum is attributed to robust growth across all major industry groups, with construction, agriculture, and services leading the way,” ang tinuran pa ng Pangulo.

 

 

Dahil dito, nangako ang Pangulo na committed ang gobyerno na “to fostering a conducive and enabling environment for employment growth.”

 

 

“We will continue to implement both demand- and supply-side interventions, including pro-investment reforms and strategic partnerships, to attract more investments,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

“The enactment of initiatives such as the Public-Private Partnership Code and the 4PH Housing Program will further stimulate economic activity and create more job opportunities,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, itutulak din ng pamahalaan ang “up-skilling at re-skilling initiatives” at i-promote ang pagbabago para ihanda ang mga manggagawa sa kinakailangan kasanayan at kakayahan na angkop para umunlad sa maraming high-quality employment opportunities. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, ipagpapatuloy ang paggigiit sa territorial rights ng Pinas sa WPS

    IPAGPAPATULOY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipaglaban ang territorial rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Tinanong kasi si Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang hinggil sa sinabi ng Tsina na inokupa na nito ang Sandy Cay, tinawag itong Tiexian Reef, sa South China Sea. Sinabi […]

  • PBBM, pinasalamatan ang Indonesian gov’t para sa pagbabalik ni Veloso sa Pinas

    PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ANG Indonesian government dahil sa mabilis na pagbabalik ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas.     Si Veloso ay dumating sa Pilipinas, Miyerkules ng umaga.   “We take this opportunity to extend our gratitude to the Indonesian government and to all who have extended assistance for the welfare […]

  • Taun-taon: Australia, magbibigay ng ‘work, holiday’ visa sa 200 Pinoy

    INANUNSYO ng Australian Embassy sa Maynila na magpapalabas ito ng “work and holiday” visas sa 200 Filipino na may edad na  18 hanggang 30, simula sa taong 2024.     Kasunod ito ng reciprocal visa arrangement sa pagitan ng Maynila at Canberra.     Sa isang kalatas, sinabi ng Embahada na ang Pilipinas ay magiging […]