PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit
- Published on October 27, 2022
- by @peoplesbalita
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa COVID-19 sa bansa.
Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nag-courtesy call sa kanya, araw ng Martes.
“During their meeting, Marcos emphasized the necessity of finding a balance between the economy and people’s safety during the meeting, citing the effectiveness of the government’s COVID-19 vaccine campaign,” ayon sa Office of the Press Secrtetary (OPS).
“The President also called for a renewed focus on general public health concerns as cases of other diseases increase,” dagdag pa nito.
Sa ulat, tumaas na kasi ang bilang ng iba’t ibang sakit sa bansa gaya ng cholera, measles, rubella, leptospirosis, at dengue.
Base sa data of the Department of Health (DOH), may kabuuang 3,729 cholera cases ang naitala sa bansa simula Enero 2022, sinasabing 282% ang itinaas kumpara sa data sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Tinuran pa ng departamento, may kabuuang 450 measles at rubella cases ang naitala mula Enero 1 hanggang Setyembre 17, 2022, na 153% ang itinaas kumpara sa mga naitala ng kaparehong panahon noong nakaraang taon na 178 cases lamang.
Para sa leptospirosis, sinabi ng DoH na mayroong 1,770 cases ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 27 ngayong taon , 36% ang itinaas kumpara sa naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon na mayroon lamang 1,299 cases ang naitala.
Samantala, mayroon namang kabuuang 118,785 dengue cases ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022, na 143% ang itinaas kumpara sa naitala ng kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Maliban naman kay Tedros, nakipagpulong din ang Pangulo kay dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair sa hiwalay na courtesy call sa Malakanyang, araw ng Martes.
Si Tedros ay nasa Pilipinas para magpartisipa sa 73rd World Health Organization Western Pacific Regional Committee Meeting (WPRCM) sa Maynila mula Oktubre 24 hanggang 28.
Kasama ni Tedros sa meeting nito kay Pangulong Marcos sina WHO Chef de Cabinet Dr. Catharina Boehme at Director of Programme Management Dr. Corinne Capuano ng WHO Western Pacific Regional Office.
Kasama naman ng Pangulo si Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr. Lagdameo at Department of Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire. (Daris Jose)
-
Pope Francis sa kanyang New Year message: ‘We want peace’
MULING nagpakita sa publiko si Pope Francis matapos na mapilitan itong lumiban sa New Year services ng Simbahang Katolika dahil sa naranasan nitong chronic sciatic pain. Kung maaalala, hindi nakadalo ang Santo Papa sa prayer service dahil sa sciatica, na pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan. […]
-
Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City. Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa […]
-
Ibinuking na nagtatago sa banyo ‘pag nagti-Tiktok: DENNIS, idinaan sa nakaaaliw na video ang sagot sa paratang ni JENNYLYN
BINUKING ni Jennylyn Mercado ang mister na si Dennis Trillo na nagtatago ito sa banyo kapag gumagawa ito ng content para sa Tiktok. Idinaan na lang ni Dennis Trillo sa isang nakaaaliw na Tiktok video ang paratang ng kanyang misis. Sinagot ng ‘Love Before Sunrise’ star ang pagbubuking sa kanya ni Jen sa […]