• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM hiling mas pinalakas na pagtutulungan ng ASEAN-US

UMAPELA si Pangulong Bongbong Marcos na mas paigtingin pa ang pagtutulungan sa pagitan ng ASEAN at United States (US) para maharap pa ang mga isyung may kinalaman sa maritime security at transnational crime.

 

 

Sa pagsasalita ng Pangulo sa 10th ASEAN-US Summit sa Phnom Penh, Cambodia, iginiit ni Marcos ang patuloy na pagtutulungan ng mga bansang miyembro ng ASEAN para malabanan ang illegal na pangingisda.

 

 

Gayundin ang pagbabantay sa pagtatapon ng mga basura sa karagatan para hindi na lumala pa ang polusyon sa dagat.

 

 

Kasabay nito pinuri naman ni Marcos ang adbokasiya at mga proyekto ng Estados Unidos na labanan ang transnational crime, terrorism at human trafficking.

 

 

Hiniling din niya ang pagpapatuloy ng capacity-building programs para sa mga alagad ng batas sa pamamagitan ng International Law enforcement Academy gayundin ang Senior Officials’ Meeting on Transnational Crime.

 

 

Si Marcos ay dumadalo sa 40th at 41st ASEAN Summit and related summits sa Cambodia. (Daris Jose)

Other News
  • Kongreso, inaprubahan na ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase

    APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase o ang House Bill (HB) No. 6772.     Nakakuha ito ng 273 na boto, samantalang tatlong hindi pabor sa mababang kapulungan kung saan ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspindehin ang increase ng premiums […]

  • Kasama na bibida sina Bianca, Faith at Angel: KELVIN, labis ang pasasalamat na nakuhang pang-apat na ‘Sang’gre’

    MAGUGULAT ang marami sa role ni Carla Abellana sa upcoming teleserye niya na ‘Stolen Life’.     Tinaguriang Primetime Goddess si Carla pero totoo bang kontrabida siya sa bago niyang soap opera?     “May pagka-fantasy po itong ‘Stolen Life’ nagre-revolve siya around the story or concept of astral travel or astral projection.     […]

  • PUMPING STATIONS NG NAVOTAS 72 NA

    PARA siguradihin na hindi na babahain sakaling may malakas na ulan at bagyo, nagdagdag pa ng pumping stations ang Navotas City, kasunod ng pagpapasinaya sa tatlo pa kung kaya umabot na sa 72 ang pumping station ng lungsod.     Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ceremony […]