PBBM, hindi kasama at hindi kailanman nakasama sa drug watch list- PDEA
- Published on January 30, 2024
- by @peoplesbalita
MARIING itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist,” ayon sa kalatas ng PDEA.
Hayagang sinasalungat ang pahayag ng dating Pangulo na ipinakita nila rito ang pangalan ni Marcos Jr. sa sinasabing drug list.
Ayon kay Duterte ang di umano’y ebidensiya ay ipinakita sa kanya noong siya ay Mayor pa lamang ng Davao.
Base sa records, binuhay ang PDEA noong Hulyo 30, 2002 nang itatag nito ang National Drug Information System (NDIS), nagsilbi bilang intelligence database ng lahat ng drug personalities na responsable sa pangangalap ng inputs mula sa law enforcement at intelligence counterparts.
Binigyang diin ng PDEA na hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Marcos sa NDIS simula nang matatag ito noong 2002 at hanggang sa kasalukuyan, binigyang-diin din na hindi kasama ang Pangulo (Marcos) sa listahan nito sa mga drug personalities kahit pa noong panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“It is worthwhile to note that, when the former President took over in 2016, his administration came out with a list, which was then initially called the ‘narco-list, sometimes referred to as the Duterte list, and upon continuing validation and re-validation, it became the Inter-Agency Drug Information Database, or IDI,” ayon sa PDEA.
“The name of President Marcos is also not in the said list,” ayon sa PDEA. (Daris Jose)
-
Oil spill sa Oriental Mindoro, malaking banta sa kalusugan ng publiko
IBINABALA ng isang health expert na isang malaking banta sa kalusugan ng publiko ang tumagas na langis sa may karagatan ng Oriental Mindoro dahil sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress. Kaugnay nito, nagpahayag ang Health Reform Advocate na si Dr. Anthony “Tony” Leachon para sa pangangailangan na mabilis na matugunan […]
-
Ads May 4, 2022
-
Sa biggest OPM event na hatid ng Puregold: SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola, mambubulabog sa Big Dome
HUMANDA na para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon, at ang mga kwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping hits na ito, mula sa paghahandog ng Puregold ng “Nasa Ating Ang Panalo” concert sa Hulyo 12, 2024, 7 p.m, sa Araneta Coliseum. Ang selebrasyon ng pasasalamat, na […]