• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hindi mag-aatubiling i-ban ang PIGO’s kung matutuklasan na magiging sanhi ng kahalintulad na problema dala ng POGOs

HINDI MAG-AATUBILI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipag-utos ang ‘total ban’ sa Philippine inland gaming operators (PIGOs) kung matutuklasan na magiging sanhi ng kahalintulad na problema ang dahilan ng pagsasara ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Tiniyak ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa publiko na mahigpit na nakamonitor ang gobyerno sa situwasyon at nagsasagawa ng pag-aaral para i- assess ang epekto ng PIGOs o local online gambling sa bansa.
“As of now, napag-aralan po and may continuing study po ang ginagawa natin patungkol po sa PIGO,” ang sinabi ni Castro.
Nagsasagawa na rin ng pagkukumpara sa pagitan ng POGOs at PIGOs para madetermina kung may mga usapin na umuusbong sa huli na kahalintulad ng sa una.
“Pero as of now, lumalabas po sa pag-aaral ay hindi po ito nakakagawa ng krimen – hindi siya nagiging cause or hindi siya iyong nagiging dahilan iyong PIGO para makagawa ng krimen,” ayon pa rin kay Castro.
Tinukoy naman ni Castro ang ilang mahahalagang pagkakaiba sa pagitan ng POGOs at PIGOs, sabay sabing ang POGOs ay tipikal na nagha-hire ng mga foreign workers habang karamihan sa nagta-trabaho sa PIGOs ay mga Filipino, may 90% ng kanilang mga trabahador ay pawang mga lokal.
Binigyang diin ni Castro ang economic benefits ng PIGOs, sabay sabing hindi kagaya ng POGOs, mayroong mga isyu ukol sa tax compliance, ang PIGOs ay may mahalagang kontribusyon sa Philippine economy sa pamamagitan ng mga buwis at marketing expenditure sa loob ng bansa.
Gayunman, nilinaw ni Castro kung ang PIGOs ay nakagawa na sa simula pa lamang ng mga isyu na nag-uugnay sa POGOs, hindi aniya mag-aatubili ang Pangulo na magpatupad ng total ban.
“Kung mangyayari ulit iyong nangyari sa POGO dito sa PIGO, hindi po mag-aatubili ang Pangulo na magkaroon din po nang total ban sa PIGO pero siyempre kakailanganin po natin ng data patungkol dito ,” aniya pa rin.
Matatandaang, Hulyo ng nakaraang taon ay naging malakas ang hiyawan sa Batasang Pambansa nang opisyal nang ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa PAGCOPR ang pag-ban ng mga POGO sa bansa.
Sa kanyang naging talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na naririnig nila ang malakas na hiyaw ng taumbayan pagdating sa POGO.
Aniya, kailangan nang tuluyan nang itigil ang paglalkapastangan nito sa bansa.
Kaugnay nito – inanunsyo na ng Pangulo ang pagpapatigil sa operasyon ng mga POGO.
Kasabay ng kautusan na busisiin ang baho na mayroon ang POGO, inatasan din niya ang DOLE na i-assist ang mga Pilipinong mawawalan ng trabaho dahil sa hakbang na ito. ( Daris Jose)
Other News
  • Drivers, conductors, at dispatchers, salagan mula sa hidwaan sa pagitan ng LTFRB at bus operators

    PAHAYAG  ito ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares kasabay nang paggiit na tapusin at resolbahin ng transportation officials ang nakakalungkot na kalagayan ng mga drayber at konduktor na patuloy na hindi nakakatanggap ng kanilang sahod.     Sinisi ng mga bus companies ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagkaka-delay sa sahod habang […]

  • Pacquiao No. 3 sa world ranking

    Pasok si Manny Pacquiao sa Top 3 sa world ranking ng welterweight division ng pamosong Ring Magazine.     Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot sa ilalim ng nangu­ngunang si unified World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) champion Errol Spence Jr.  nasa u­nang puwesto.     Nakaupo naman sa […]

  • Tax break sa e-motorcycles posible sa pagrepaso sa EV incentives

    NAKATAKDANG repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks.     Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, […]