PBBM, hinikayat ang local execs na palakasin ang partnership sa pagitan ng nat’l gov’t, LGUs
- Published on May 19, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na opisyal na palakasin ang partnerships sa pagitan ng national at local governments para palakasin ang development agenda ng administrasyon.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Pangulong Marcos na ang national government at LGUs ay dapat na magtulungan na i-develop ang iba’t ibang programa para ingat ang buhay ng mga Filipino.
“We need your help in the national government. We have to work together. We have to know what the local conditions are. We have to know what… Hanggang sa political rivalries kailangan malaman natin ,” All of these things are important,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang oath-taking ceremony para sa bagong halal na opisyal ng Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP) sa Palasyo ng Malakanyang.
“So, let’s continue this. Let’s strengthen this partnership that we have, the locals, local and national government because that’s the only way that we can maximize the resources and the time and the energy that we are spending for,” dagdag na wika nito.
Sinabi ng Pangulo na tinatangka ng kanyang administrasyon na i-balanse ang preserbasyon o pangangalaga sa local economy kaalinsabay ng para magawa ng LGUs na makatrabaho ang national government.
Nangako rin ito na tulungan ang local municipalities para paghusayin ang kakayahan habang ginagawa ng national government ang tungkulin nito sa bilang resulta ng Mandanas ruling ng Korte Suprema. (Daris Jose)
Other News
-
Ads February 16, 2024
-
Nuezca, sibak na sa serbisyo sa PNP
Sibak na sa serbisyo at itinuturing nang sibilyan si Police SMSgt. Jonel Nuezca, isang pulis na isinisangkot sa pagpatay ng ilang sibilyan matapos ang alitan sa “boga” at “right of way,” ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), ika-11 ng Enero. Ito ang kinumpirma ni PNP spokeseperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana . “[Chief […]
-
Tab Baldwin humanga sa galing ni Kai Sotto
Hindi maitago ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin ang paghanga nito sa galing ni Kai Sotto. Kahit na naging maiksi ang pagsali nito sa ensayo ng national team noong nakaraang mga linggo ay ipinakita ng bagitong player na kaya nitong makipagsabayan. Dagdag pa ni Baldwin na habang tumatagal ay nagkakaroon […]