• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang MMFF 2024

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sambayanang Filipino na tangkilikin ang mga ‘kwentong Pinoy’ bilang pagsuporta sa Metro Manila Film Festival 2024.

 

 

 

“Isama ang buong pamilya, buong barkada, at panoorin ang sampung pelikula na handog ng MMFF,” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.

 

 

Ang panahon aniya ng Kapaskuhan ay panahon upang lalong magsama-sama at magmahalan ang bawat pamilya at ang bawat isa.

 

 

Ngayong Kapaskuhan aniya pa rin ay bibidang muli ang mga kwento ng lahing Filipino dahil ito aniya ay espesyal na selebrasyon ng ika-50 taon ng Metro Manila Film Festival na bahagi na buhay at kultura bilang Filipino.

 

 

“Ang mga magagandang pelikulang kalahok ngayon ng Golden Year ng MMFF ay siguradong magbibigay ng gintong saya at mag-iiwan ng mga ginintuang aral,” ang winika ng Pangulo.

 

 

“Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Happy 50 years, MMFF! At muli, Maligayang Pasko po sa inyong lahat!,” ang pagbati ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • State of calamity sa buong bansa, idineklara ni Duterte dahil sa ASF

    Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever.     Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga.     “Ang […]

  • Food stamp program, balak ibalik ng DSWD

    PLANO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng  maraming mahihirap na Pinoy.     Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may […]

  • ‘Houston Rockets balak i-trade si John Wall’

    Lumutang ngayon ang umano’y balakin ng Houston Rockets na bitawan na rin patungo sa ibang team ang kanilang veteran guard na si John Wall.     Ang hakbang ng Rockets ay ilang linggo bago magsimula ang bagong NBA season habang sa katapusan ng buwan na ito ay isasagawa na training camp.     Sinasabing gusto […]