PBBM, hinirang si Toni Yulo-Loyzaga bilang DENR Secretary
- Published on July 14, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, araw ng Martes ang nominasyon ni Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
“The President has nominated Ms. Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga as Secretary of the Environment and Natural Resources. Her nomination will still be subject to the fulfilment of the required documents,” ayon kay Cruz- Angeles.
Si Yulo-Loyzaga ay dating chairperson ng International Advisory Board of the Manila Observatory kung saan ay itinaguyod nito ang mas maraming scientific research on climate at disaster resilience.
Siya rin ay naging executive director ng Manila Observatory at technical adviser ng Philippine Disaster Resilience Foundation.
Si Yulo-Loyzaga ay naging Senior Advisory Board ng Command and General Staff College ng AFP.
Araw ng Lunes, hinirang naman ni Pangulong Marcos si Atty. Raphael Perpetuo Lotilla bilang Kalihim ng Department of Energy “pending the clarification of his employment status.”
Si Lotilla ay kasalukuyang independent director ng Aboitiz Power at power firm na ENEXOR.
Tinukoy ni Cruz-Angeles ang Seksyon 8 ng Republic Act 7638 o mas kilala bilang Act Creating the Department of Energy na nagsasaad na “No officer, external auditor, accountant or legal counsel of any private company or enterprise primarily engaged in the energy industry shall be eliglble for appointment as Secretary within two (2) years from his retirement, resignation or separation therefrom.”
“Thus while the matter is reviewed to determine whether an independent director is considered an officer of the company, Lotilla is considered a nominee,” ayon pa rin kay Cruz-Angeles.
Si Lotilla ay dating Energy Secretary sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo mula 2005-2007. Siya rin ay naging Deputy Director General ng National Economic Development Authority.
Si Lotilla ay naging Pangulo rin ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM, “the government corporation tasked to manage the privatization of power generation assets, independent power producers contracts and other non-power assets, including the management of financial obligations and stranded contract costs of the state-owned National Power Corporation.” (Daris Jose)
-
Bonggang regalo sa kanyang 40th birthday: MARIAN, waging best actress sa ‘Cinemalaya XX’ at ka-tie si GABBY
WAGING-WAGI si Marian Rivera dahil siya ang tinanghal na best actress sa 20th Cinemalaya Film Festival noong Linggo, August 11, bisperas ng kanyang ika-40 na kaarawan. Dahil ito sa mahusay na pagganap bilang Teacher Emmy sa Balota, na certified box-office hit kasama ang Gulay Lang, Manong! at The Hearing. […]
-
Binalikan ang ‘yatch date’ na promo ng movie: SAM, ‘di nagkamali sa pagsasabi noon na sisikat si ALDEN
SAKSI kami sa naging yacht date noon nila Alden Richards at Sam Pinto. Nangyari iyon noong 2011 at magkasama sina Alden at Sam sa pelikulang ‘Tween Academy: Class of 2012’ ng GMA Films. Nabanggit kasi sa isang interview ni Alden na isa sa crushes niya during that time ay si Sam […]
-
Pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay: JASON, never sumagot at naapektuhan sa pamba-bash dahil kay MOIRA
SA Palawan na nakabase si Jason Hernandez, ang dating karelasyon ni Moira dela Torre. “Pumunta ako dun. Dapat vacation lang. Now I’m staying for the last seven months. Tapos, ang dami kong naging tropa dun, dami kong naging kaibigan. “Dun ko na-realize na you don’t need a lot of things pala […]